-Day 79, Thursday, April 4-
"Uy salamat talaga ah! Alam mo namang medyo masakit pa yung opera sakin eh! Thank you talaga ah!"
"Not a problem, ikinagagalak kong ipagsundo ka rito!" sabi ni Christian sabay gawa pa ng isang courteous bow.
"My thanks, naman, o sige alis na ako ah! Pwede mo nang tigilan yung cleavage ko."
"Woops, sorry, balik na ako sa BT-7, marami pa akong gagawin daw don."
Tumango na ako at kinawayan ko nalang sya paalis. Aaaaahh good to be back sa APT studios! Parang kelan lang eh nanghihimas ako ng pinagpapawisang abs dito ah, buti naman at nalimutan na kaagad yun ng mga tao. Well actually nakatulong na rin yung mga pagkarami-rami kong mga advertising galing sa BT-7.
Hinga malalim... medyo masakit pa rin paminsan-minsan yung retokadong boobs ko galing SoKor pero I can handle this, uupo lang naman ako eh magdadada.
Merong isang pamilyar na muhka akong nakita galing sa corner ng aking peripheral vision.
"Hey! Nandyan ka na pala! Welcome back pagtapos ng two-week vacation mo, hanep sa quality ah!"
Oh! Na-notice nya kaagad ang retoke ko! Good to hear!
"Aba syempre may quality 'tong mga attachments ko! May package naman kasi sila eh kaya nilagyan ko na rin yung pwet ko't mata! Tingnan mo eyes ko! Mukha na akong K-Pop no?"
Tumango sakin si Ellie sabay ngiti, "Oh lika na, buti nga hindi ka late eh, ineexpect ka na nung mga tao! Akala ko nga eh hindi ka na darating eh!"
Tinapik ko na yung batok nya at lumakad na kami papasok sa APT Studios para sa isa nanamang reveal pagtapos ng two-week disappearance ko. Sinabi ko naman sa bago kong fake FB na magpaparetoke ako eh, kaya wala naman sigurong kailangan pang sabihin don.
Pumasok na kami dun sa studio, at binati ng pagkarami-raming mga tao...
I never thought ganito karami ang magbabago simply dahil sa pinalaki ko lang yung boobs ko... well naayos din yung mukha ko ng kaunti pero Half-French naman na ako kaya parang wala na rin namang kinabago yon.
Hinatak na ako ni Ellie hanggang sa naka-abot na kami sa isang bakanteng kwarto malapit sa entrance nung stage. Ito na ata yung kwarto kung saan ako dinala ni Bronze noon eh. Oh the memories ng Thunder's sweaty abs... Haaayyyzzzz... Siguro kapag nilandi ko syang ngayon na 'malaki' na ako eh payag na syang one-on-one kami sa kwarto nya!
Anyways-
"Andaming tao ah..." rinig kong komento ni Ellie nung sumilip sya sa labas.
"Aba syempre! Gumanda ata ako noh!"
Nakita kong tumingin si Ellie sandali sa dibdib ko, "Pinakamalaking size na ba yan? Di ba masakit yon kapag flat ka tapos ganyang kalaki kaagad?"
"Oo, pero well worth it naman, meron naman akong gamot eh."
"Spectacular, inggit ako."
"Wala namang pumipigil sayo eh. Diba nasabi ko naman na, na lumipad pa ako SoKor para dito?"
"Eh mga experts na yun eh. Dito lang naman ako nagparetoke eh."
"Aaaaahhh... kaya pala medyo similar yung hitsura mo dun sa majority nung mga babaeng artista dito sa BT-7, now I know."
"Ni hindi ka na nga mukhang galing dito eh. O sige, alis na ako ah, may promotion pa ako sandali."
Kinawayan ko nalang sya at lumabas na sya sa kwarto at naiwan nalang ako. Buti naman ma privacy muna ako rito sandali...
![](https://img.wattpad.com/cover/182463739-288-k50103.jpg)
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...