Chapter 130 - Somewhere in Zambales [Part 2]

3 0 0
                                        

-Day 292, Saturday, November 3-


"May mali dito sa picture na 'to big time! What's going on here?! Nasan si Disproportionate Midget? Ha?"

Panay tanong nung flat na ate ni Kendo sa kanya, malamang kilala ko naman ata kung sino yung gusto nyang iparating eh. Pero I have my doubts.

"Wala nga diba?"

"Kendo..." sabi nung ate sabay gawa ng isang sunod-sunod na tapik sa likod ng kuya nya na mukhang napalakas ata ng sobra. "Kilala kita... Lemme guess hindi pa kayo nag-uusap dun sa isyu na yun ano ha? Ano?"

I think si Lyn ata yung sinasabi nya... Kahit 'tong ate ni Kendo eh sanay na si Lyn lagi yung kasama nya at hindi iba-

"At sino ka nga pala ulit miss?"

"Uh-er... G.A.? Nakita na kita noon-"

"Doesn't ring a bell sa kukote ko, sorry nalang sayo dyan ate. Pero may sasabihin lang ako- Wait nga lang... Kendo, bago mo nanaman 'to ano?!"

"MonGal... pati ka ba naman sasali na dyan sa kalokohan na yan? Lahat nalang ba ng kilala ko eh kasali dyan?"

MonGal...? Ang strange naman nung mga nickname nitong pamilyang 'to... Kendo, Son... MonGal... creative I suppose?

Mag-iisip pa lang sana ako nung biglang lingon kaagad ni Ate MonGal sakin at bunganga nanaman. "Ikaw ah! Ikaw pala yung sinasabi nilang ruiner ng kanilang favorite ship! Wala kang rights don ate, wala!"

"Uuhhh meron b-ba akong ginagawang mali...?" I must say pero talagang para na akong kakagatin nitong babaeng 'to ah.

Hindi sya sumagot at napalingon lang sa dibdib ko. "Wow... nice one sa retoke ah. Hindi katulad nung isa dyan natural lang talaga yung big round balls nya eh... Di ba no Kendo..? Diba? Amirite eh??"

"I'll have you know na mahal ang bayad ko dyan ah-"

"Shut yer gap, G.A.-whatever! Ano nga palang ginagawa nyong dalawa rito? On a date? Sa isang nakaka-bwisit na date huh?"

"Wala kami sa date, MonGal, ano ba... Lahat nalang kayo eh-"

"Nope! Not hearing anything! So kelan na tayo punta La Paz then?"

May tinuro si Kendo dun sa dalawang kapatid nya na isang malaking hotel. Currently dun din naman kami ni Kendo nakatira eh... At si Thunder eh malamang wala rin naman ngayon kaya ewan ko na. Maybe dun sa malapit na hotel.

"Son, may stat na ba tayo mamaya?"

"Yeah!" sagot nung isang lalaking kapatid nya na kanina pa nananahimik.

"Oh sige, alis na muna kayo! May important matters pa rito to discuss."

Pinaalis na ni Kendo yung dalawang kapatid nya at kinawayan nalang namin sila.

"Sumbong kita kay Thunder! Hahahaha!"

Hindi na sumagot si Kendo at nginitian nalang yung maingay na ate nya at umalis na silang dalawa at naiwan nalang kami rito.

"Ganda ng sunset dito ano?" sabi nya sa'kin abay turo sa sunset. "If only nasa La Paz lang tayo ngayon eh wala eh, this'll make do nalang."

"Uuuuhhhh about dun sa sasabihin ko... Uh-meron akong secret-yes! Meron akong secret na sasabihin sayo!"

"Eh wala ka namang secrets ah. Noon pa man eh puro ako lang lagi nagsasabi sayo diba?"

"Ah ngayon meron na!"

Nagpatuloy na kaming maglakad sa beach ngayong sunset... won't be long now.

"Ay sandali lang! Let me tawagan ulit si Mrs. Suzy! May nalimutan akong sabihin sa kanya!"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon