-Day 30, Friday, February 14-
Maaga pa, at naglalatag pa lang yung mga tauhan ng mga props para sa set namin nung naisipan ko muna na magtingin sa cellphone ko, ano na bang nangyayare ngayon?
Tiningnan ko ulit yung Pinagpala page, at nakita ko pa rin yung comment ni Magandang Babae, na hindi ko nahalata noon, na nagpo-post pa rin ng hate comments.
Walang kumokontra sa kanya, e retarded naman talaga sya eh, bakit naman kami kokontra pa? Okay nalang yun, wag na pansinin.
Marami ngang kumakampi pa sa kanya eh
Nag-scroll pa ako pababa, okay naman yung mga ibang comments pero napansin ko lang na andaming hate comments na directed kay Backstage at wala nang iba. Bakit kaya sya lang?
'Ang unggoy ng A.S.'
Sheesh, ano ba problema nila.
Nakasulat naman na A.S. yung gumawa nito, tapos silang dalawa nga naman ni Selena plus yung kapatid nya nag-aayos. Si Lesley yung minsan na nagdi-drect, at meron pang isang director na na-hire.
Strange...
Nag-isip ako sandali, bigla kong naalala yung reaksyon ni Chelsea nung malaman nya na ampon ni Thunder si Ilana. At yung mga 'Thunder Loli memes'.
Hindi naman ako palatingin sa memes, pero na-curious talaga ako.
Nag-search na ako sa Google ng Pinagpala memes.
At lumitaw na nga sila, karamihan tungkol sa 'maitim si Backstage' meme at yung the rest e tungkol sa maganda si Ate Walter. Hula ko dadami pa 'tong mga 'to kapag lumitaw na talaga sya sa screen.
Looks normal, pero may targeted hate dito ah. Ano ba meron? May ginawa na ba si Backstage at galit sa kanya lahat ng tao?
In-open ko ulit yung FB ko at sinilip yung FB nya.
Wala nang update in 5 years! Ambata pa nga nya dun sa pic eh, silang tatlong magkakapatid.
Hehehe... kulot sya dati... hehehe...
Nagtingin ako sa paligid, parang nag-iisa lang ako dito sa tent na 'to ah.
Pero sa bandang malayo e nakita ko sina Thunder, si Selena, Si Ate Walter tapos si Ilana.
Maya ko nalang sila bisitahin, pansin kong nawawala pa rin Backstage eh, wala pang matanong.
Napatingin ulit ako sa FB page ng Pinagpala, ano na kayang nangyare dun sa NeNa na shi-noot kahapon.
May naka-post nanaman na si Nero nakitaan na nagtitingin ng gitara sa isang local shop dito sa La Paz.
Hindi ito yung shi-noot kahapon, nandun ako eh.
Kelan na kaya ito?
Nagtingin pa ako ng iba't ibang NeNa posts. Parang every three days yung pattern ah. Every three days e mayroong post.
Hindi na ako nanonood ng TV, maya't maya kayang binobroadcast 'to?
Ewan ko na.
Napatingin ulit ako dun sa mga nag-aayos at kina Thunder.
Nah, samahan ko na nga sila don.
Tumayo na ako at pinuntahan sila.
Binati naman ako kaagad ni Thunder pero si Selena e tumingin lang once tapos nagpatuloy na ulit sa pagce-cellphone nya.
Yung dalawa sa kabila nila e halos hindi na ako napansin. Nakahiga na si Ilana, na nakasuot nanaman ng isang blue na sweater na mahaba ang sleeves, sa lap ni Ate Walter habang kinikiliti lang nya. Halos mukha na silang mag-nanay duunnn...
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Roman pour Adolescents[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)