Chapter 126 - Strange Events

1 0 0
                                    

-Day 263, Friday, October 5-


"Alam mo ironically kumonti yung trabaho ko rito since may mga hires naman kami na organizer para dun sa mga events eh," sabi ni Kendo pagtapos nyang uminom ng isang sip ng kape. "It's all coming together now. Won't be long now at tapos na tayo rito."

Nilapit ko nalang yung upuan ko sa kanya. Wala na akong pake kahit na nandito kami sa labas at personally nagmamasid ng taping. After all, October naman na, at lilitaw na ulit ako, as isang rogue spirit.

Wala rin namang pumapansin eh... kahit wala yung usual partner nya. May mga ibang crew na napapatingin pero hindi naman na sila nagtatanong... Wala naman talagang kumakausap kay Kendo rito except ako, at si Ate Lesley na yung director ng scenes ngayon along with a few others na mukhang mga professionals.

"I got here first! You can get your turn soon! I'll go first!"

"Foolishness! You've had your chance, now I'll take mine!"

"Not fair! You got yours right there! I have mine right here!"

"Pathetic greedy imbecilic child! I have you kno-"

Ang ingay naman nitong dalawang 'to sa tabi ko lang. Kanina pa nga eh, at madalas na rin silang pumupunta rito. So kaya pala may iba pang naglalandian sa EN-2 para wala muna yung scenes sa kanya.

I wonder kung nasaan na si Miss Bailey?

"Pwede ba tahimik na kayo dyan? Nakakahiya na eh," rinig kong sabi ni Ashley dun sa dalawang 'bata' sa team. Ano ba kasi yung pinag-aawayan nila?

Lumingon ako sa kanila at nakita kong mukhang seryoso nga talaga sila ah. I thought may pinag-aagawang brownies nanaman tulad kahapon.

"Ano ba meron dyan ah?" tanong ko sa anime yaya ni Daryl.

"Pinag-aagawan nila kung sino yung uunan kay Ate Walter nyo pagdating nya, ewan ko ba dyan sa dalwang yan..."

"Ashley, flat ka kasi eh! Ahahahaha!"

"Ah ewan ko na sa dalawang 'to, basta dito nalang ako at nood nalang."

"Sabihin mo sa kanila maghalikan nalang sila!" asar ko sa kanya pero tumalikod na ako. I think si Daryl is around 17 pa lang eh tapos si Ilana eh 21 pero they look the same age- ah basta wala na akong pake don.

"Ang ingay naman nila, ang liit lang kasi nung tent eh!" reklamo ni Kendo sabay sip ulit ng kape. "Handa na ba yung mga lines mo?"

"Minamaliit mo ako, Kendo? Sabi ko nga sayo eh wala lang sa'kin yung mga lines na yon! Kahit isang milyong lines pa yan eh! No prob!"

"And we could count on that naman eh."

Sasandal sana ako sa balikat nya pero mukhang maganda na yung nagaganap dito sa set eh. I can see yung cast na nandito sa harap namin ngayon- sina Kyle, Scott, at yung isang middle-aged na lalaki na nalimutan ko na yung pangalan na dini-direct ng isang fight scene.

"Woah, mukhang magiging maganda 'tong fight na 'to ah!"

Lumingon ako kay Kendo pero hindi na sya sumagot at naka-titig lang sa set.

...

Why am I not surprised?

May dalang isang double-edged bladed pike... na I think mukhang Naginata, at still naka-suot ng isang sobrang luwag na damit na tinatangay ng hangin everytime na actually hahangin at tuturan ata sina Kyle ng moves.

Sumilip ulit ako kay Kendo at mukhang nakatingin lang sya kay Selena dun sa set.

"Hey, ano ba 'tong scene na 'to ah?"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon