Chapter 104 - The Baddest Boy of the All

2 0 0
                                        

-Day 91, Monday, April 16- 


Oh hell yeah! Tingnan mo nga naman! Aba'y lahat nalang ng mga tao eh nagsasabing sobrang sexy ko na since yung retoke ko! I'm heading towards the path to success at wala man lang akong signs of slowing down! Andali lang din ano? Parang kaunting retoke lang tapos instant maganda na kaagad ang buhay ko! Well technically marami-raming pero rin ang nagsatos ko ron kahit na sa South Korea na ako nagpa-retoke but still.

Maximum fame here I come!

May nakita akong comment na... wait nga lang, check ko nga muna dun sa official BT-7 official website na kanilang list ng young actresses.

...

Strange... bakit kaya walang list ng young actors? I dunno at wala na akong pake kung ano ba nangyare.

Aba! Nandito na rin yung photo ko! At ika nga dun sa FB comment sa aking mga professional photo shoots eh talagang ako nga ang bustiest of them all! Nyahahahaha! Easing-easy lang talaga! Effortless fame! Walang panama yung boobs nyo sakin!

Come to think of it, bakit nga pala ako lang ang nagpa-laki ng ganito? Anyways, sikat naman na ako eh at wala na akong pake.

Nung nag-exit ako sa phone ko eh parang nakita ko yung orasan sandali, 8:34am. Napalingon ako sa paligid ko at parang yung mga tao eh nagpupuntahan dun sa lokasyon nung entrance.

Ano ba meron? Hindi naman na ako nakikibalita at busy na ako sa aking newfound fame! Oh wait, buti naman naalala ko at meron pa akong isa pang talkshow mamayang hapon.

Anyways, sumunod ako sa mga taong naglalakad all the way papuntang entrance, I wonder kung anong meron? Pero hindi ko na tinanong yung crew, mas maganda kung ako mismo naka-discover.

Nung papalapit ako ng papalapit pa sa entrance eh parang parami ng parami yung mga tao. Hahanapin ko sana si Ellie para may tsika ako kaya lang-oo nga pala inuwi nanaman nya yung winner nung... Mister Pogi ba yon...? Ah basta inuwi nanaman nya yung winner nung competition na yun.

Oh here we are, ano na bang nandito? At bakit parang wala atang pumapansin sakin? What's going on here? I demand-?!

...

Dear gooooood...

Oh how the stars have aligned...

I never thought this day would come...

...

Nakita ko ang isang figure na hindi ko na-expect na pupunta rito.

Yung kanyang deep, piercing gaze na kayang mag-penetrate sa kahit anong lugar, kahit yung mga lugar na gusto kong ma-penetrate.

Yung kanyang chiseled jawline na parang specially designed para kumain ng mga babae! Oh my gosh! Ako included!

Ang kanyang silky black hair na mas kasing-legendary ng mga shampoo commercials!

Yung kanyang mala-dyos na labi't bibig na parang nasa tamang size lang para i-shove in ko yung dila ko straight down! Holy hell!

At yung kanyang over-all mukha na walang panama na kahit ako hindi ko kayang tamaan!

At yung kanyang midnight black leather jacket! Ay sus! Dun na ata nanggagaling yung mala-heavenly na amoy na naamoy ko ngayon-ngayon lang! Holy crap! I'm about to faint! Siguro yan yung mga jacket na designed ipalubot sakin kapag giniginaw ako! Pero nag-iinit na ako ngayon! Nagbabaga na!

At tingnan mo nga naman yung kanyang astounding height! It's been too long since huli ko syang nakita pero LOOK. AT. THAT! Parang isang kilometro na yung taas nya sakin!

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon