Chapter 70 - The New Guy

1 0 0
                                    

-Day 40, Monday, February 24-


'Gusto ko ng ng leather bag pagbalik mo ha? Dapat crocodile leather para sosyal ah! hehehe...'

'Alang'ya, nanghihingi ka na ng souvenir eh ilang araw pa lang ako rito, grabe ka naman!'

'Hinde naman kasi sa ganon eh, kapag nakakakita ka ng mga topless na mga lalake, ibig sabihin din non eh extrang regalo sakin. Eh nandyan ka na sa showbiz kaya maraming topless na lalake dyan, kaya yun... leather bag... crocodile leather bag... Premium leather bag...'

'Xyra, wala pa akong nakikitang topless na lalake rito! Si Thunder hindi counted!'

'Ah basta-'

Nakita kong papalapit na sakin si Kuya Pochi kaya mabilis ko nang sinabihan si Xyra ng 'aalis na ako' at in-end call ko kaagad sya.

"May balita na ba tayo dyan, kuya?' Tanong ko sa kanya, 'o masasabi ko bang, ate?"

"Nakita mo na ba yung announcement, si bading kinilig ulit kaya may bago kang extra ngayon, darling!"

"Ow talaga? Anong extra ba yang sinasabi mo?"

"Di bale lalabas ka nga diba on week 3, bale around week 3 ika nga at naisip namin na para ma-hype na yung mga tao e gagawa pa tayo ng mas maraming tsismis!"

Napakamot ako ng ulo sa sinabi nya, "diba andami na nating pinalabas na chika kahapon?"

"Oo nga... pero meron pa akong ibang ideya!"

"Bakit hindi nalang ganito diba? Bale i-edit lang ng kaunti yung mga naunang scenes para nandun na ako at para hindi na maguluhan yung mga tao?"

"Hinde, inday, masyadong maraming effort yun, tinatamad na kami."

"Hinde nyo pa nga sinasabi sakin yung role ko eh... Kahit nga ako hindi ko pa alam..."

"Para yon para genuine shock yung naramdaman mo at hindi fake lang, okay?"

"So ano nga yung plano natin? Paano tayo gagawa pa ng chika? Showing na Enchantine 2 bukas diba?"

"Oo nga. Ganun na nga yon. Ang sinasabi ko lang naman e mas marami pang chika, bale ang ultimate form of advertising dito sa Pinas. At paano natin yun magagawa?"

"Paano nga?"

"Bibigyan ka namin ng pangatlong love interest!"

Medyo nahinto ako dun sa narinig ko, "pangatlo? Diba laging hanggang dalawa lang kasi lagi naman talagang ganun, paano naman natin gagawin yun? Puro landian na nga yung buong palabas eh... Hindi na nga ako sure kung sisikat ba 'to overseas!"

"Masasabi mo ngang parang maling move yon pero tingnan mo naman, kahit mga newspapers mapupuno ng mga balita about kung sino ba talagang lalake yung pipiliin mo!"

"Alright... sino naman yang bagong yan?"

"Abangan na natin," tumingin si Kuya Pochi sa orasan sa lobby. Napatingin na rin ako at nakita ko nalang na halos magtatanghali na.

Nagtanong sya ulit sakin, "ano nga palang ginagawa mo rito sa lobby?"

"Wala lang... nagmamasid, hindi pa naman ako actual na nagtatrabaho eh kaya dito lang... kelan nga pala ulit taping schedule nyo?"

"Bukas, kung kelan mag-iistart yung palabas eh tsaka lang tayo magta-tape na. Lagi kaming may two weeks na leeway para in case na may gulo, we're always on."

"Ah ganun? May aabangan pa ba tayo bukod dun sa bago kong lalake?"

"Pizza, nagugutom na 'ko eh, gusto mo?"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon