Chapter 12 - Back Again to Zis 30

19 1 0
                                        

-Day 2-

Sa wakas makaka-usap ko na yung dalawang screenwriter nitong palabas na gagawin ko!

At kung si Selena nga yung isa e pwede ko nang itanong kung nasaan yung ate nya!

'Late ka nanaman! Gising ka na kase!', sabi ng cellphone ko. Si Chel nag-text sa akin kung gusto ko raw bang sumama manood ng sine.

'Oh 'musta na Chel, may pasok talaga kami ngayong linggo e. Akala ko nga ica-cancel nalang hindi pala,' sagot ko sa kanya. Pero bago ko pa itago yung cp ko a nag-text ulit ako ng, 'mababa lang charge ng cp ko ngayon, maya ka nalang tawag.'

May naalala ako sandali at tiningnan ko kung kelan pa yung text ni Chelsea at nakita ko na kahapon pa pala ito. Ano bang ginagawa ko nung oras na yon?

Malamang lumulutang nanaman.

E paano kaya bukas? May pasok ako bukas!

May naalala akong may sinabi si Nero kahapon na exempted daw? Sa paanong paraan kaya.

Maya-maya lang e bumaba na ako ng bus. Tiningnan ko yung oras sa cp ko at nakita kong quarter to 8 pa lang pero bukas na yung Zis 30 Studios.

Wala pa akong ID. Papapasukin na kaya ako? Mag-aabang lang ba ako dito sa labas?

Sinubukuan kong lumapit sa pinto at may narinig akong nag-uusap na dalawang lalake sa loob. Base sa boses e kasing-edad ko lang. A.S. kaya ito? Tunog tagalog sila magsalita e.

Hindi ko na alam pero kumatok ako sa salamin na pintuan at bigla silang natigil pareho.

Ika nga sa hula ko, dalawang lalaking halos mga kasing edad ko lang sa isang building na wala pa atang tao.

"Mari, ikaw ba yan?" Tanong nung isa na hindi naka-salamin.

Pareho silang pinoy kaya wala dapat na ikatakot, "Bakit ba Mari nalang talaga tawag mo sakin?"

"Kase base sa sinabi mo kahapon e parang ayaw mo ata ipaalam yung meaning ng G.A. ng pangalan mo kaya tatawagin nalang kitang Mari."

"May punto ka doon."

"Ano ba talagang masama sa tunay na meaning ng G.A.? Maganda nga e."

"Wala lang lagi ako sa mood."

"Okaaaay, hindi talaga namin in-expect yung aga mo. Ni hindi pa nga kami tapos mag-status e."

"... Ano...?"

"Nah, wala na yon."

Bago pa sya magsalita ulit, o yung kasama nya, tinanong ko na sya kaagad, "Ikaw ba talaga yung isa sa mga screenwriter nito?"

"Hinde, si Lina lang talaga mag-isa. Yung sinasabi nila sayo, hindi totoo yon. Sya lang talaga mag-isa nagsusulat kasama nung creative team nya."

"Ganun ba? E bakit kasama nyo sya kahapon sa... kung ano man tawag sa lugar kung nasan kayo kahapon?"

"Kami nga yung Creative Team!"

Parang feeling ko lang niloloko na ko nitong lalakeng 'to, "A.S. ka ba?"

"Ah kaming dalawa A.S., hindi mo kami kilala 'no? Nag-ooperate lang talaga kami sa backstage. Parang si Lina nga rin. Gets mo na?"

"Aga nyo ata ngayon a. Akala ko talaga ako pa lang nandito."

"7 pa lang nandito na kami rito sa harap. Di ba nga sinabi sayo ni Lesley na dapat ikaw maaga?"

"Oo nga. Tanong ko lang, pwede ko bang malaman kung kelan darating si Selena?"

"Tatanong mo kung nasaan si Ryan at bakit nawawala pa?"

"May nagsabi na pala sayo."

Nagsenyas na sya na ipatong na yung bag ko sa mesa kung nasaan sya. Yung kasama nya na isang lalaki hindi pa nagsasalita mula nung dumating ako dito.

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon