-Day 45, Saturday, March 1-
"Uy salamat talaga Thunder ah, sabi na nga ba maaasahan kita eh!" Inulit ko yung gratitude ko kay Thunder ng pang-dalawampung beses na sa aming helicopter ride pabalik, "ampogi-pogi mo pa! Alam mo ba yon?"
"Sumisipsep ka ba sakin?" Tanong ni Thunder sakin. Buti naman eh medyo may pagka-sound-proof 'tong chopper na 'to at pwede kaming mag-usap...
Wait nga laaanngggg... "Wala naman akong naaalalang ganito ka-tahimik yung helocopter mo ah!"
"Inabot ka talaga ng ilang minuto pa talaga para matuklasan lang yan? Bago 'to oy!"
"Gusto mo sipsipen kita?"
"Manahimik ka nga dyan, kailangan ko pang mapanood yung taping nung ampon ko."
"Ampon lang talaga tawag mo sa kanya?"
"Wala naman sigurong masama dun. Nevermind, busy ako sa paglipad dito pwede ba?"
"Ah sure, go ahead."
Tinigil ko na yug usap ko sa kanya at natulog nalang ng ilang minuto bago makarating na kami sa aming final destination.
Di ko na na-expect nanaman na ganito lang talaga kabilis ang travel by helicopter. Parang isang linggo pa lang nung last time akong nakasakay dito ah. Welp, I'm back again. I wonder kung anu nang nangyare sa kanila?
Unti-unti ko nang nakita na ulit yung pamilyar na sand dunes na pinag-shooting-an namin kelan lang, how it feels good to be back!
Dinaanan lang namin ni Thunder yung mga mobile home area nila, yung entire set, at lumanding sa isang open area sa beach. Yung mabato para walang tumitilapon na mga buhangin sa paligid.
"Siguro naman hindi mo sinabi kay Kendo na darating ako ngayon diba?" Tanong ko sa kanya habang hinanda yung maleta ko.
"Hinde, okay lang yon, ano ba kasi yang laman ng bag mo at bakit parang ambigat pa ata?"
"Ito ay punong-puno ng regalo at kung anu-anong bagay pa, ano bang paboritong kulay nung ate mo?"
"Si Celine? Green... bakit naman?"
"Kasi alang'ya ang obvious na nung crush nya kay Kendo at parang wala namang ginagawa eh, kaya eto ako ngayon! Ang cool ko diba?"
"Err... okay...?"
"Oh bakit yun lang sagot mo? Sabi nila limang taon na sila! Dapat may mga nangyare na nung mga panahon na yun!"
Nginitian nalang ako ni Thunder sabay shrug ng balikat nya, "AH YON BA? AHAHAHAHA! Kinakareer mo pa talaga yon?"
Tinaasan ko sya ng kilay, "anong sinasabi mo don? May nalampasan ba ako? Naloko nanaman ba ako ni Kendo?!"
"Hindi naman sa ganon kasi eh... Alam mo, antagal na nila lagi magkasama no matter what at ngayon eh hindi nalang namin pinapansin. Hindi naman alam ni Ate Celine na alam na naming lahat eh... parang kwentuhan na rin yon kapag nagka-campfire kami nung the rest nung squad kapag wala sya."
"Ah ganon? Eh si Kendo nga?"
"Medyo eccentric eh, hindi ko talaga alam kung nahalata na nya eh nagpapanggap lang oh ewan. Iba mag-isip eh, kahit na kung anu-ano na ginagawa eh sasabihin eh hindi raw sile oh ewan oh kung anu-anong kalokohan pa..."
"Hindi naman sa ganon eh, I thought nalaman nyo nang lahat? Eh bakit yung super genius nyo eh hindi pa rin alam?"
"Hindi na namin kwinekwestyon yon, mas maganda kung hinayaan nalang namin sila. Kasi tingnan mo naman, may nakikita ka bang any other competition sa kanila? Eh yung si Avani nga parang laro-laro lang yung paniligaw nun eh, wala namang narating."
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...