Chapter 141 - Old Memories

2 0 0
                                    

-Day 350, Thursday, December 31-


"Eh hehehe Marshall yun na nga po eh. Naisip ko lang naman na dito naman din po ako nanggaling noon might as well na bumalik muna diba?" sabi ko dun sa matandang head nung acting class ko noon sabay lagay ng braso sa likod ng ulo. "Wala lang naman! Proud na po naman kayo sa'kin diba? Diba?"

Napalingon yung matanda dun sa kasama ko. "Aba'y sino naman-"

"Ah wala lang po sya." Lumingon ako kay Kendo sa kanan ko. "He's my uh..."

"Assistant. Personal assistant!" dagdag nung kasama ko. "Pleased to meet you sir."

"Ah ganon? Kelan ko pa ba naka-isip na kailangan mo ng personal assistant ah iha? Ho ho ho!"

"Ah hinde wala lang po iyon! Open po ba ngayon yung locker room? Wala naman pong klase ngayon diba?"

"Ah wala. Dito ba muna kayo nung... assistant... mo?"

Nanghinala ako dun sa sinabi ni Marshall na assistant ah. May binibigay ba akong girlfriend vibes sa kanya? Wala naman ah. What's going on here? "Titingnan ho lang namin yung locker room ko." Napatingin na rin ako sa isang malaking poster ko dun sa may entrance. "Might as well na ayusin yung lighting nung isang 'yon at medyo pangit ata ako dun. First class pa naman yung tag."

"Ho ho ho. Pasensya ka na iha ah! Matanda na ako! Malay ko ba kung tama yung sinasabi sa'kin ng mata ko!"

"Ah okay na ho iyon, Marshall! Basta ayusin nyo po iyon bago magpasukan ah? Oh sige pasok na kami ha?"

"Oh sige na! Basta 'wag lang kayong dalawang magtagal dyan ha? Naaalala ko tuloy nung ginamit ko rin yung sinabi mo para pumasok kami nung nobya ko-"

"Oo na- oo na- oo na! Boyfriend ko 'tong kasama ko! I get it! Titingnan lang namin yung locker ko!"

"Binibiro lang naman iha! Oh bilisan nyo na!"

Nagpaalam na kami sa matandang acting teacher tapos inaya ko na si Kendo pumasok dun sa dating locker room.

"Bakit nga pala nandito sya? Bahay nya 'to? Dito sya nakatira?"

"Yep!" sagot ko sa kanya sabay bukas nung locker ko. Buti naman eh hindi pa nila ginagalaw. Looks like kaunti lang ata ang mga nag-apply sa Leoncello ngayong taon. Maybe next year since nabigyan naman na ako ng award eh.

Ganito pa rin yung locker ko at wala man lang nabago over the course of the year. May isang poster na may picture ni Thunder na walang damit sa beach, mga promos ng Emtree Lee's, Marder3...

"May poster pa rin ng 'Coming Soon' ng Pinagpala rito? Parang isang taon na rin ang dumaan no? Ambilis na ah!"

"There you go Kendo! Rememberizing stuffage! Walang masyadong nangyare in short. Hindi naman talaga ako nag-iiwan ng memorabilia eh. Kung nalaman ko lang na ganito mangyayare sa'kin eh di sana nag-iwan na ako ng marami diba?"

"Ok! Sandali lang na tupiin ko na yung nasa list..." May inabot si Kendo sa bulsa nya na maliit na piraso ng papel at may tinupi sya sa bandang taas. "Alright! Emtree Lee's nalang before Zis 30! I can't wait! January 1 na bukas! We gotta get going!"

Sinara ko na yung locker ko at lumabas na kami.

"Oh back so soon?" tanong ni Marshall sa'min. Nandun lang pala sya sa upuan nya sa harap ng entrance habang nanonood sa isang maliit na TV.

"Opo Marshall, nagtingin-tingin lang ng mga bagay-bagay."

"Ah ito na yung huling pagkikita natin ha?"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon