-Day 247, Wednesday, September 19-
Ah ito! Pwede na siguro itong post!
Pinindot ko na yung post picture dun sa FB ko at nalagay na! Since nasa beach din naman kami dito sa La Paz eh why not maglagay ng beach photos na! Para namang wala akong beach bod diba? Plus enjoy naman yung mga fans ko rito eh.
And still sabi pa rin ng sabi yung BT-7 na binigyan nila ako ng free vacation dito, at maraming tao ang takang-taka... galing talaga nila gumawa ng buzz ano?
Ano na kaya nangyare kina Josh at dun sa nanay nila? Hindi ko naman talaga nakita si Mrs. Aparador nung shi-noot namin ni Ilana sa kwarto ni Daryl eh.
"Ang init naman!" malakas na sabi ni Kendo nung nilakasan pa nya yung aircon. "Ayan! Woooh! Malamig!" Lumingon sya sa'kin at nagpatuloy pa. "Ayan oh, Mari, anlamig na diba? Sobra na yan!"
"Kahit anong gawin mo dyan eh hinding-hindi ko papalitan 'tong T-shirt na suot ko ngayon!"
"Pffft... hindi allowed ang kaseksihan mo rito! Hubaran kita dyan eh."
"Ow talaga? Hubaran din kita eh!"
"I'd rather pass... Enough jokes na kasi." Tumalikod na si Kendo at hininaan na ulit yung aircon namin at lumakad na papunta sa'kin na may dalang mga papel nanaman. "Check these out!"
Lumapit ako sa kanya... yung tipong dinikit ko na yung balikat ko sa balikat nya... eh hehehehe... kilig ako eh.
"Ito yung progress nung mga projects namin ni Thunder! Finally tumutulong na ako sa Pinas! Ewan ko sa'yo pero sobrang proud ko sa sarili ko ngayon!"
"Ay worthy 'yan sa isang kain sa labas! Kain tayo mamaya!"
Inakbayan nya ako at nagsabi, "Talaga?! Sa'n tayo-?!"
Bigla nyang tinanggal yung pagkaka-akbay nya sa'kin. Nginitian ko nalang sya, "Ano ka ba naman Kendo... Next time naman kasi eh tumingin ka sa mga hahawakan mo pwede? Nagpa-retoke na ako remember?"
"Ah-eh-ikaw naman kasi eh! Hehehe! 'Wag ka na kasing magsuot ng ganyan eh! Oh ngayon ano na yung nahawakan ko ah?"
Nilapit ko yung ulo sa tainga nya at bumulong, "Silicon implants..."
Awww hihihi kinikilig nanaman akoh! Sobrang cute siguro namin dito! Why not I take a pic-
*Snap*
"Ano 'yon-?! Hey! Bawal yan!"
"Aww tingnan mo naman, napicturan kita ng nakangiti! Lagi ka kasing walang picture eh!"
"Ah basta, tingnan mo na 'tong chart na 'to at what do you think?"
"Marami ka nang nagagawa para sa Pinas I see. If only parte ka ng mga pics na 'yan at hindi puro si Thunder lang! By the way kwinestyon ko na si Nero kanina-"
"Wala silang sinasagot eh, para bang may pinaplano silang lahat eh."
"Are you sure okay na okay lang si Thunder bigyan ka ng sarili mong fully-furnished trailer van at hindi dahil may plano nga sila?"
"Ah itong trailer van na 'to kay Thunder talaga 'to. Every promotion naman namin sa mga programs na 'to dumarami lalo yung mga sponsors nya eh at dumarami pa lalo ang kita. Actually kahit anong gawin nya rito eh parami ng parami yung pera nya eh. Amazing isn't it?"
"Eh paano yung fundraising na nakita ko sa FB ni Ate Walter na umaabot na ng millions of dollars? Bakit ba parang hindi naman ginagamit?"
"Magagamit ko rin yan kapag sinimulan na yung mga housing projects. Mga bilyonaryo naman yung mga donators namin kapag si Ate Walter yung gumagawa eh."
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)