-Day 35, Wednesday, February 19-
"Nakita ko nga na... puro hate comments yung FB page mo eh... Napilitan ka na talaga gumawa ng bago?" Sabi ko sa kanya sa mahinang boses, "sabihin mo naman sakin yung bago mong FB oh... add kita..."
Inabot sya ng ilang segundo bago sumagot, "ano bang ginagawa mo rito? Di ba dapat kasama mo na sila?"
"Naisip ko lang na times like these maybe si Selena e hindi enough... three times the charm..."
"Hmmmph..."
"Baka gusto mong sabihin sakin kung anong nangyayari...?"
"Heh, 'wag na, last time nagsabi ako nyan tinanggal ko na yung Facebook ko."
So yun pala yung dahilan, no wonder sobrang paranoid.
"Hindi na kita pipilitin kung ganon," napansin ko na rin na nakalapag na sa buhangin yung BBQ na bigay ko kanina, "gusto mo hatid na kita pabalik sa van...?"
Hindi sya sumagot kaya nagpatuloy nalang ako, "lahat na ng 'kaibigan' mo noon iniwanan ka no...?"
Hindi pa rin sya sumagot.
"Tapos base sa tingin ko wala ka namang ka-close dito sa A.S. kundi yung mga usual na kasama mo lang..."
Tinaas nya yung kamay nya sa mukha ko, "sinabi ko na yung dapat kong sabihin. Alam ko na yung pattern na yun..."
"Anong pattern...?"
"Sinabi ko na kung anong impact ginawa mo sakin, ibig sabihin lang nun aalis ka na rin..."
"Kaya nga tinatanong kita kung aalis na ba ako eh, hindi pa nga natin ginagawa yung official 'fired' news..."
"Hinde yon..."
"Ano nga...?"
"Pagdating mo don, mamamangha ka na, na sobrang sikat mo, na ibang level ang trato sayo don. Nandon ako nung bata pa si Ryan, mabait yun dati, tapos natuklasan na nya yung social media..."
Si Ryan...? Mabait dati...? Sa lahat ng mga nakita ko sa kanya? O sige... sinabi nya eh.
"Bakit naman kinukumpara mo ako sa kanya? Hindi naman ako si Ryan diba...?"
"Walang tao ligtas, alam ko na yon, 'wag mo nang i-deny. Yung plano handa na, alam mo sasabihin ko na rin sayo na expected ko nang hindi ka na babalik..."
"'Wag ka namang negative, nandito pa ako ah..."
"Sinasabi mo lang yan, kasi yung circumstance hindi pa nagpapakita. Alam ko sinasabi ko, hindi ako nagkakamali..."
"Paano kaya kung patunayaan ko sayo diba? Babalik ako after ilang buwan? O kahit pabalikin mo na 'ko eh."
"'Wag na, ayoko nang maging pity friend, kaya mo naman na sarili mo. Yung mga unang araw i-ga-guide pa kita sa mga nangyayari tapos kapag bumabagal na yung contact mo sakin eh, tapos na. Kasi mas sikat ko don..."
"Eh bakit kaya hindi nalang natin i-cancel yang plano mo diba? Sasabihin ko nanaman ba ulit?"
"Yun na yung life-long goal ko, hindi ko na pagpapalipasin yun. Akala mo nagulat ako nung sinuggest mo yung sarili mo pero planado ko yun nung simula palang..."
Woah, natatakot na talaga ako... paano kaya kung alam na nya talaga na hindi ako babalik...?
"Pero...-"
"Walang pero-pero, kung sanay ka na rin na iniiwanan, e alam mo kung ano sinasabi ko. Pero bakit pa ako nagsasabi, hindi mo naman alam..."
Tama nga sya... Hindi ko nga alam...
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)