-Day 346, Sunday, December 27-
Aircon, loud music, classy halls? Well actually sobrang classy at parang nasa Hamana restaurant na nga kami ngayon eh. Just look at this ambiance! Or ambience ba yun? Ewan ko.
Para kaming nasa isang grandeng auditorium, na may stage. Yung buong paligid eh para ngang resto na punong-puno ng mga round tables na may puting tablecloth na nakapatong at may isang vase na may rose each.
"Today! Magaganap na ang pinaka-aabangan ng lahat!" malakas na sabi ko sabay slam nung table para kunin yung attention nung tatlong kasama ko rito.
"Pwede ba Gwen? Hindi mo ba nakikita na guaranteed panalo na kayo dyan...?" sagot nung sobrang monotonous na kaibigan ni Xyra na nakasuot ng isang fancy red gown na... I'm pretty sure mas malaki pa rin sya sa'kin ng one centimeter... Bwiset...
"Oo nga Gwen! Nandito lang naman tayo for the experience diba? Experience sa isang awarding!" sunod naman ni Xyra. "Ganda rito diba?"
I was expecting na sasagot naman si Nero kaya lang eh busy lang sya sa phone nya at kung anu-ano ginagawa.
"Ano ba kasi yang kalokohan na yan ah Nero?" tanong ko nalang sa kaisa-isahang lalake sa table namin of four.
"Naglalaro ako ML, 'wag kayo istorbo..."
Napansin ko rin sina Miggy sa kabilang table eh busy rin sa mga phone nila ng mga kasama nya. Malamang magkakakampi 'tong mga 'to.
"Ah ML! What can I say? Naabot ko na yung Mythic nyan last season eh! Ang ginagamit ko lang yung sarili ko!"
Medyo hindi ko na pinansin yung maingay na sabi ni Xyra at tumingin ulit ako sa stage. Naghahanda palang sila. Won't be long now!
"Yung ginagamit ko yung maliit na babae na may scythe din? Diba? Parang Pinagpala lang diba? Diba? Diba???"
"Xyra hindi ko kilala yang sinasabi mo kaya pwede ka nang tumahimik..." sabi ulit nung nananahimik na member namin dito. "Kanina ka pa bago tayo magsimula eh..."
Napalingon ulit ako sa stage at parang nagfa-finalize na sila! I wonder kung magsisimula na!
Nagtingin-tingin ako sa paligid. Nandito na kaya si Kendo? Hindi ko pa sila nakikita ah... Maybe kasama nya ulit si Mrs. Aparador sa-
Nanginig yung phone ko na nakapatong lang sa mesa namin! Finally!
Aba si Kendo nga yung nag-message sa'kin! What's up na kaya?
'Hey Mari! Nandito lang kami sa likod kasama ni Mrs. Doorz! Lingon ka rito sa taas na portion sa likod nung auditorium!'
Sinamahan pa talaga nya ng exclamation point ah? Now nasan na kaya 'tong-!
Aba! Nandun nga sya sa taas na portion ng auditorium sa bandang likod, na nahaharangan ng tinted na salamin. Made me remember the first time na actually narinig ko yung boses nya way back nung January palang! Kinawayan ko nalang din sya.
At since nasa harap ako eh nakita ako ng maraming tao at lahat din naman sila eh nagsi-lingunan din sa likod, para namang alam nila kung sino kinakawayan ko diba?
'Eh bakit nandyan ka lang ha?' nag-message ulit ako sa kanya habang nakatingin pa rin sa taas. Napansin ko yung silhouette nya eh natanggap na rin yung message at nag-tetext na rin sa'kin.
Oh and... I'm pretty sure si Lyn nanaman yung katabi nya, plus si Thunder nasa other side lang nya.
Natingin-tingin ako sa paligid at pansin kong wala rin si Ate Walter dito ah... Heh, all the more reason na ginandahan ko talaga itong white and blue gown ko...
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Ficção Adolescente[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...