-Day 40, Monday, February 24-
"I can't believe it, I just can't believe it! So for short, wala kasing cash-cow potential kapag kami ni Sir Japanese Model!" Halos malaglag na yung mukha ko sa table ko sa sinabi ko. "Tapos ngayon na bigla nalang dumating si Kuya Pochi at nagsabi na ang gwapo daw nung Pizza Delivery Guy, can you freakin' believe it?! Apat na lalake ko ngayon?!"
Hindi muna sumagot si Ellie at nagtingin-tingin muna sa paligid, "bakit nga pala nandito tayo sa Back2Blizzard?"
"Kase may mga bigla nalang dumarating kapag dun tayo sa Emtree Lee's got it?"
"Sino?"
"Don't ask."
"I don't get it, nagrereklamo ka kasi meron kang apat na lalake? Ano namang masama ron? Sobra ka ng dalawa, so what? Buti nga may project ka eh."
"Sinabi ko na nga sayo kanina diba? Hindi kami pwede ni Sir Japanese Model! Alam bo bang warak ako nung marinig ko yun? Yung parang buong pagkatao ko bigla nalang nag-shatter pero somehow nandito pa rin ako sa harap mo ngayon? Gets?"
"Ang strange ng analogy mo, ate Gina..."
"Ikaw ba Ellie, balita ko kanina e pasok ka dito sa Enchantine 2 ah, sino character mo?"
"Kaibigan ako ni Pug, minor role lang."
"Ah yung mga lumilitaw lang ng halos 20% ng oras nung entire series, magkano nga pala sweldo mo?"
"Confidential, hindi pwedeng sabihin."
Uminom sandali yung kasama ko nung drinks nya-I think Moon Juice ata pangalan, bago magsalita. "Bakit ba kase hindi nalang natin pag-usapan yung mga importanteng bagay diba? Like sabihin mo na kasi yung hotness level ni Japanese Model eh!"
"Ellie, mainit, nagbabaga, bulkan, lintek na mas mainit pa sa kahit anong bagay na alam mo eh. Meron lang akong isang lalakeng kilala na mas pogi pa sa kanya pero hindi ko naman na sya nakikita at parang gagawin lang nya akong extra. Ito bago 'to, mukha syang maamo at mabait!"
"Wow... wala akong naintindihan sa sinabi mo, tingnan ko na nga lang sya maya."
"Oo nga pala tungkol dun kay Pizza Delivery Boy, totoo ba na ganun lang kayo kadali mag-hire ng mga bagong model, maglalakad lang talaga sila dito?"
"Well actually, may mga recruiter kami, or pwede naman talaga silang maglakad lang dito at magpatili ng mga bakla, that's it. Nasan na nga ba kasi yung dalawang boyfriend mo?"
"'Ba malay ko sa kanilang dalawa, basta nakita ko si Miggy kanina at mukhang nagpapapansin kay Lucille-yung babaeng lutang... Malay ko dun..."
"O ano na dun kay Pizza Delivery Boy natin? Parang si Carrot Man lang yan, dinala namin yun dito eh kaya lang mahiyain talaga ayaw sa camera, kaya wala rin. Short-lived fame tapos uwi na kaagad."
"Wow, I thought may processes pa, andami kong pinirmahan nung sumali ako eh."
"Sa lalake lang yun, kapag may tumiling bakla, pasok na sya," lumapit sakin si Ellie at nagbulong, "pero syempre hindi nila aaminin yon..."
"Bakit naman kailangan mo pang bumulong eh nakita ko na nga yung aktual na sinasabi mo kanina-nina lang nung si Kuya Pochi eh bigla nalang lumitaw at nagsisigaw na isasaksak daw nya yung Pizza Boy... Ba naman yan oh..."
"See...?"
Magsasalita na sana ako nung may nakita akong naglalakad sa labas, at nahalata ko kaagad!
"Look Ellie oh! The Pizza Boy himself!"
"Ay oo nga ano?"
"Bigyan mo ako ng analysis. Ikaw magaling sa chika diba? May potential ba maging artista oh wala?"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)