-Day 42, Wednesday, February 26-
Ika nga sa sinabi ko kanina-nina lang eh pinasunod ko na both sina Kuya Pochi at Mrs. Aparador palabas nung viewing area.
Kinawayan ko nalang si Ellie nung umalis na kami, kwentuhan ko nalang sya ng mga made-up NeNa stories ko, yun lang naman gusto nya talaga eh.
"Inday darling, ano bang pag-uusapan natin?"
Hinarap ko sila habang naglalakad ng patalikod, "nothing, may balita na kasi ako dun sa editor natin."
"Editor? You mean yung kuya mo?"
Parang nahalata kong atat na atat nanaman si Mrs. Aparador ah, "ah yes, bale sya nga, naka-usap ko na sya kagabi at tuloy ang punta nya rito pero-"
"AAAAAAAIIIIIIEEEEEEEE!!! DADAMI PA LALO ANG MGA HUNKS NATEEEEEENNN!!! Wala nang laban ang KV-2 sa amount ng hunks na meron tayo! Appear naman dyan, Ma'am Cabinet!"
At nag high-five nga sila.
Nagpatuloy yung paglalakad namin. Ang balak ko eh pumunta kami dun sa lobby nung sobrang classy na corridor, at least don tahimik lang, at malapit lang yung office ni ma'am headwriter kaya if ever may kailangan, malapit lang.
Sinagot ko nalang yung mga tanong nila regarding yung kuya ko, pero sinigurado ko lang na made-up at kunwari lang, pero satisfied naman sila... if only tigilan lang nilang tawagin sya ng hunk eh that would be nice naman.
Naka-abot na kami dun sa lobby. Binuksan na yung ilaw, aircon, at kung anu-ano pang accessories.
Naupo ako sa isang side nung coffee table para kita ko silang dalawa.
"Wow... ang classy naman ni Inday, tuturuan mo na kami ng greater knowledge?" Atat na tanong ni Kuya Pochi.
"May balita na ako sa writing tips kagabi galing kay kuya. So bale hindi nyo naman na aayusin pa yung week 1 to 2 diba?"
"Ipapalabas muna namin yung first two weeks sa Iflix para sigurado na kung effective ba yung romance-route namin," sagot sakin ni Mrs. Aparador. Nakita ko namang naki-agree lang si Kuya Pochi.
"Alright ladies and gentlemen, kitang kita ko na ayaw nyo nang ayusin yung first two weeks pero sasabihin ko lang sa inyo na may pag-asa pa yung pangatlong linggo. And I've got a plan."
"Oh, ano yon, iha?"
"Bale ganito yon, since kayong dalawa pa rin naman yung headwriter dito, kahit papaano... Ano bang gusto nyong mangyare dito sa Enchantine 2, pwede bang ibigay nyo sakin yung gusto nyong final product? Ano yung gusto nyong iparating sa masa?"
"..."
Pareho silang dalawa na natulala lang, nagtinginan, at sabay nag-shrug, "wala lang, isang project para mag showcase ng mga upcoming artista... okay lang naman yon diba inday?"
"Nope... yan daw yung una nyong pagkakamali-"
Alright... it's time for my awesome acting skills to be put to the test...
"Muntik na nga ako kagabi eh!"
Mukhang naging alert naman yung dalawang kasama ko dun sa sudden pag-iba ng kinikilos ko.
"Alam nyo bang dalawa na hindi nagustuhan ni Kuya yung binigay nyo pong scribbles ng week 3, Ma'am. Sinalba ko na nga lang eh kasi ayaw nya talaga, para daw walang pag-asa. And the worst part, baka raw hindi nalang sya pumunta rito!"
"Patay..." Sabay pa silang nagsalita.
"Eh ako hindi rin naman ako marunong umisip ng plots plus hindi naman kami talaga close kaya sinalba ko lang talaga, if ever daw na maayos pa natin 'to eh may chance syang bumalik!"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...