Chapter 5 - The Chosen Ones

53 0 0
                                        

Hindi man lang sumubok si Chelsea sa dami ng mga tanong ni Nero.

At yung mga tanong ni Nero naman, ano yun? Para kaming ini-interview sa trabaho a. Hindi ba alam nung screenwriter nito na iba ang pag-aartista sa regular na trabaho. Dalawa na nga sila e, pinoy pa isa.

"Okay, nandito na tayo. Abang lang kayo dyan ha?" sinabi ni Nero matapos palakarin kaming mga piling mga babae sa dulo ng isang mahabang hallway.

Pinindot nya muli yung kanyang headseat, "Tapos na 'ko rito, kay Lesley na 'tong mga 'to," tumingin sya sa amin habang paalis na, "'Wag na kayo mag-alala! Tapos na! Pupunta nalang sila sa inyo!"

Iniwan na nya kami para sunduin daw ni Lesley. Yun ata yung matangkad na babae kanina.

Antahimik namin dito, kahit ako rin medyo kinakabahan nanaman.

Maya maya lang ay bumukas na yung pinto sa harap namin at nandun na nga yung matangakad na babae kanina. Nakasando nalang sya ngayon at maskulado din pala sya, di ko na inexpect yon, a basta.

"The chosen ones from Leoncello eh? Please have a seat on the far right of the room, waaaaaaaaaaay over there," sabay turo nya sa madilim na parte ng malaking kwarto na 'to.

"Now let me turn on the lights," sabi nya ulit sabay bukas na rin ng ilaw sa parte namin.

Napansin ko na rin na color-coded yung mga upuan, at kami doon sa kulay yellow.

Nakasulat na rin yung workshop na pinanggalingan nila: Independent, T-35, at Ro-Go.

Pumunta na kaming limang babae sa upuan namin at napansin ko na rin na nandun na rin yung limang piling lalaking galing din Leoncello.

Wala man lang akong kilala sa kanila. Ang alam ko lang e itong limang ito rin e mga baguhan lang don. At sila pa talaga yung mga napili eh?

Sayang naman si Chel hindi inabot.

Ilalabas ko na sana yung cellphone ko para kumuha ng selfie nang narinig naming bumukas na yung isang pinto sa kabilang parte naman nung malaking... kwarto na ito at pumasok na mga walong A.S.

May mga pigil na hiyaw sa paligid, pero masasabi ko lang na wala naman talaga akong kilala dito sa mga 'to.

Dapat talaga i-update ko na yung sarili ko.

Yung mga A.S. na pumasok pumwesto sa likod namin. Si Nero yung nasa amin kaya naisip ko nalang na baka ito yung mga nasa kwarto nung nag-audition sila.

Wala pang limang segundo ulit nung kukunin ko na yung cellphone ko.

"Good morning fine citizens! It is I-" May babaeng bigla nalang humabol sa pasok kasama ng mga A.S. na sumigaw nalang. Hindi na sya natapos at nabatukan kaagad nung isang lalaking matangkad na medyo kamukha nya.

Magkapatid ata sila.

"I thought you were supposed to get out on the front?!" malakas na sabi nung matangkad na lalake.

"Watch it, little bits needs to parade her glorious ass on these puny mortals," sagot naman nya.

"I knew we shouldn't have let her on this..." rinig kong sabi ng isa pa ulit na matangkad na babae rin na katabi nya.

Grabe naman, antatangkad naman nilang lahat... halos lahat.

"You know what, I dun give a s#*t."

"NOW WATCH AS I SHAKE MY BOOTY ON STAGE!-" hindi na ulit natapos yung maliit na babae nung binuhat na sya ni Lesley at tinapon sa labas.

"The heck is your sister doing here?!" Tanong nya dun sa lalaking matangkad, na itinaas lang yung balikat.

Tumakbo na si Lesley paikot naming lahat at pumunta na sa harap.

Nagsenyas sya at mabilis na may nagbigay sa kanya ng papel yung isa sa mga staff na malapit, pati na rin isang mic.

"Pardon the ruckus earlier, we should've thought this through. But rest assured It won't happen again... Am I right, Bronze??"

Tumango lang ng tumango yung sinabihan nya yung matangkad na lalaki sa likod.

"Now that we have got that outta the way, I would like to congratulate all the passers we have here, you guys here deserve a warm round of applause."

Nagpalakpakan kaming lahat ng ilang segundo. Nagsalita nalang sya ulit nung natapos na kami.

Magpapakita kaya si Ryan ngayon?

O si Thunder kaya?

"So out of the forty people we have here, we will only pick around 25 of you guys but only 18 of them get to show on screen... and only 3 of the 18 are girls. I'm pretty sure everybody knew that."

Naisip ko lang na baka itong Lesley na ito e isa sa mga screenwriter, mukha syang screenwriter sa akin e, isang maskulado at sobrang fit na screenwriter.

"So far we have your papers sent to be reviewed. It might take a few minutes of nerve-wrackin' nervousness, but rest assured, we've got you covered."

Biglang dumami na yung ilaw sa paligid.

Buti naman at makakapag-selfie na ako.

Ano na nga pala gagawin?

"Now that I got that out, I say everyone take a break, have a good chat with my fellow A.S.'s and wait the greatest 30 minutes of your life. Once again, congratulations to everyone."

Nagpalakpakan na kaming lahat.

30 minutes pala huh...

Napatingin ako sa likod ko. Mukhang nakikipagdaldalan na yung mga kasama ko kay Nero.

Nilabas ko na yung cellphone ko at mabilis na in-open yung Messenger at nag-type kay Chelsea.

'Baka naman iniwanan mo na 'ko'

Medyo matagal yung response nya pero ang dumating sa akin e isang picture ni...

'SI XYRA BA YAAAANNNNN?!?!?!?!?!!!???' tinype ko ng sobrang bilis sa cellphone ko.

'Aba syempre naman, nandito na kami sa Emtree Lee's sa labas ng studio! Bilisan mo dyan!'

'Tanungin mo kung aalis na sya'

'Di pa raw, hanggang mamaya pa sya dito, mga isang oras pa. Ano na bang nangyayari dyan?'

'Wala pa naman, nag-aabang nalang ng final results'

'Out na muna ako, wala na battery'

Kainggit naman si Chelsea, nakasama pa yung Koreana sa labas.

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon