Chapter 108 - Deep Thoughts

2 0 0
                                        

-Day 115, Thursday, May 10- 


Matagal na tumatak sakin yung mga huling salita ni Ilana bago sya makatulog nung gabing yon... matagal-tagal na rin pala no...? Ilang buwan na rin yung dumaan nung gabing yon at ngayon parang nanghihinayang na nga ako sa mga ginawa ko rito...

Sabi ko babalik ako... andaming beses ko pang pinagpilitan yon pero yug gabing sinabi nya sakin kung gaano ako ka-special... the very next day hindi na ako nagpakita ever again...

Ni hindi ko na nga kaagad nakikita si Chelsea eh... yumabang na rin sya kaagad... parang ako lang naman din...

Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa harap ko. Nakita ko si Carson, pero parang wala namang naturn-on sa akin... malalim iniisip ko ngayon.

"You! Pathetic imbecile!"

Nakita kong dumating nanaman si Daryl at nang-iinis nanaman, as usual.

"Oh hey shorty, what's the big idea?" asar ni Carson pabalik sa maliit na manunugod nya.

"Pitiful excuse for a human! This time I brought some back-up! Someone lend my assistance pronto!"

Nagsenyas si Daryl galing sa isang sulok at maya-maya lang eh biglang lumitaw yung flat nyang yaya... na sinasabi nya lagging mukhang anime character.

Biglang napalingon si Carson dun sa bagog dating at nagkatitigan sila at biglang tumahimik.

"Well what...?" tanong ni Daryl sa yaya nya, na mukhang natulala na.

"Deeaaarrr gooood... Aaashley... IZ DAT YOU?!"

Magugulat na sana ako sa lakas nung pagkakasabi ni Carson nung mga huling salita nya pero malalim talaga iniisip ko ngayon, kaya pinagpatuloy ko nalang panoorin yung nangyayare sa kanila.

"M-Master Carson...?! IKAW BA RIN Y-YAN?!"

What... magkakilala 'tong dalawang 'to dati? What are the odds na magkikita silang dalawa rito...?

"ASHLEY LIKA NGA RITO MISS NA KITAH!"

Napaka-awkward nung pagkakarinig ko sa sinabi ni Carson. Tumakbo sya papunta kay Ashley at bigla nyang niyakap at binuhat paikot-ikot pa. Not sure kung romantic ba yung nakita ko oh talagang friends na hindi na nagkita ng matagal na panahon na...

Friends na hindi nakita ilang buwan na... Hmmm...

"What is the meaning of this?! Do you have any idea whom you are dealing with?!" sigaw ni Daryl dun sa dalawang... magkaibigan...?

"Isang taon na rin naman din ano! Hindi ko inakala na nandito lang ulit na tayo!" malakas na sabi ni Ashley kay Carson at hindi man lang pinapansin yung bansot kong leading man.

Nagkwentuhan pa sila sandali habang si Daryl eh mukhang unti-unti nang sasabog sa kainisan. Maganda sana sya panoorin kung hindi lang-

"Ito ba yung alaga mo?! Oh would you look at that!" sabi ni Carson sabay mabilis na dampot kay Daryl bago pa man sya maka-react.

Kung anu-ano nang pinagsasabi ni Daryl na mga curse words na wala na akong maintindihan.

Masyado nang maingay rito at tumayo na ako at naglakad na somewhere else. Kailangan kong makapag-isip. Hindi na ako nakakapag-concentrate ng tama rito.

Pumunta ako sa isang pamilyar na kwarto. Pumasok na ako kaagad at wala nang tao. Parang kelan lang eh dito pa namin ginagawa yung mga future plots nung EN-2 tapos ngayon eh parang naglaho nalang bigla at bumalik na sa pagiging stockroom.

Pinuntahan ko yung bakanteng mesa sa likod, hindi na talaga inayos ni Danica mula nung huli syang pumunta rito.

Naupo ako at nag-isip...

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon