Chapter 9 - Back to Zis 30

26 0 0
                                        

Sayang naman hindi pumayag si Xyra sumama sa akin kumain sa labas. Ah basta nakinig naman sya sa storya ko eh kaya okay na rin.

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko at halos 1 o'clock na nang bigla ko lang na maalala na...

Paano nga pala naka-alis na si Chelsea? Hindi ba sila sinundo ulit ng bus ng Leoncello pauwi?

Malamang nakasama nanaman si Thunder at yung isa pang ulit na foreigner na kasama nya.

Swerte naman nun.

Ime-message ko na sya sana nang biglang nag-vibrate yung cellphone ko at low battery na pala. Buti nalang dala ko yung charger ko.

Inalala ko muna kung may sinabi bang gagawin ngayon pero wala naman akong maalala. Ang alam ko lang ay pinalabas na ako at sinabihan na bumalik nalang after lunch.

Ang lunch break sa school namin e 12 to 1pm kaya in-assume kong pareho lang naman din.

Tinanong ko na dun sa mamang janitor kung nasaan na yung mga A.S. at pumunta na ako doon. Siguro naman na e may outlet na dun.

Pagdating ko dun ay halos iilan pa lang sila. Base sa isip ko e lahat ng foreigner dito e mga A.S. at hindi ako komportable sa mga foreigner kaya-

Aalis na sana ako ng may tumawag sakin.

"Tamang-tama ka lang, buti nalang maaga ka."

Buti na nga lang. Base sa boses e si Nero lang yon.

"Oo nga e... pwede bang dun muna ako sa labas?"

"Ano naman ba meron?" Tanong nya sa akin, "emergency? Alam ko naman ang mga babae-"

"A hinde naman kasi... wala lang naman."

Tinitigan lang ako ni Nero sa sagot ko, "ano namang klaseng sagot yan?"

"Wala lang naman talaga..."

"Ganito na kasi yon. Ika nga sa sinabi ko kanina-nina lang e ikaw nga yung napili at naka-reserve na sa leading cast dahil nga sa experience. Kaya nga dapat e nandito ka na."

"T-talaga...?"

Parang bigla akong gininaw sa sinabi nya... o baka bigla atang lumakas yung aircon dito...

"Sabi na sayo e."

Medyo nalingat ata ako sa sinabi nya at hindi ko naintindihan... Ako yung main character?! Sa isang A.S. na palabas?!?!?

"Chill ka lang ate, baka atakihin ka pa dyan e," sabi sa akin ni Nero.

"KAILANGAN MALAMAN 'TO NANG LAHAAAAAAAAAAT!!!!!!!!!!-" Hindi man lang ako pinatapos nang may humagis ng lata ng softdrink sa akin sabay 'QUIET!'.

"Areku naman..."

"Natutulog kasi, wag ka maingay," tinuro ni Nero sa akin si Lesley na natutulog sa sulok. Naka-upo at nakapatong yung paa sa mesa tapos meron pang nakatapal na panyo sa mukha.

"Naasinta ako nun a," sabi ko sabay pulot sa softdrink na hinagis nya sakin. May nakasulat na Bonk! Atomic Punch! Sa harap.

Anong tatak ng softdrink ba 'to?

"May hunting rifle collection yan sa bahay, natural asintado yan... sa kahit anong bagay."

"Bakit parang lumamig ata dito? Lumakas ba aircon?"

"Tanghaling tapat na, ano bang gusto mong mangyari?"

"Oooo ngaaa siigeeee, lalabas muna ako?"

"Tumigil ka nga dyan," may tinuro ulit si Nero na upuan na malapit lang. "Dun ka uupo."

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon