Chapter 20 - La Paz, Ilocos Norte part 2

8 0 0
                                    

-Day 7, Friday, January 22-


Inabot na kami ng hapon bago kami magsimula.

Pinagmasdan ko sina Ashton at yung artista na gumaganap na nanay nya na maghukay ng mga binaon na singkamas sa buhangin.

Hindi ako makapaniwala na kinuha pa nila yung ilan sa mga original na artista ng source material nila. Mangilan-ngilan din naman sila. Kahit na hindi pa tapos yung original na palabas e sige lang.

Humangin nang malakas at medyo napuwing ako. Nung pagkatanggal ko naman ng buhangin sa mata ko e biglang umaraw na.

Sobrang init nanaman. Parang kanina lang e pumunta ako rito para manood.

Naglakad na ako paalis at pumunta sa malapit na tent kung saan nandun sina Xyra at yung ibang mga babaeng napili.

Hindi pa naman ako lilitaw hanggang mamaya eh.

"G.A.! Tara lika ritooo!!!" Malakas na sigaw ni Xyra nung makita nya ako na paparating. Parang atat na atat sa pagdating ko, ano kaya meron don?

Pagkalapit ko sa kanila, napansin kong meron nanamang isang foreigner na mine-make-up-an sya.

Napabulong nalang akosa sarili ko, A.S. nanaman 'to malamang.

Sabay-sabay silang nagtilian nung lumapit ako, at saktong may lumitaw na pic sa cellphone ni Xyra.

Isang beach photo nung isa sa mga foreigner ng KV 2! Bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Backstage.

Kanina ko pa kasama si Thunder at medyo hindi na ako naapektuhan nung picture. Nagtanong ako nung nakita ko yung maliit na caption sa baba, "may palabas sya?"

"OO! COMING THIS FEBRUARY 14!"

Wait... Baka nagkataon lang na sumakto yung hula nya. Para syang may tuliling sa ulo para manghula nang ganon kagaling-

Napatitig ako sa jawline at abs nung artistang iniinterview.

Hmmmmmm...

"So you're our main character?" Narinig kong sabi sa akin nung foreigner na nag-aayos kay Xyra.

"Uhh, yeah?" Sagot ko.

"There's some corporate dudes looking for ya earlier. Advertisers, I think?" Sabi nya sabay turo sa grupo ng mga tao sa medyo malayong tent na may maraming nakaparada.

"O nandito ka pala, nalingat lang ako sandali nawala ka na kaagad," may boses na nagsalita sa bandang kanan ko.

Pagtingin ko naman sa kanan ko e si Backstage natakatayo lang.

"What's goin' on, chief?" Tanong nung foreigner na nagma-make-up kay Xyra.

"News?" Tanong din nya.

"Operation: Hot-Bodied Mess is a go!" Malakas yung pagkakasabi nya pero puro tilian naman yung nangyayari sa paligid namin at parang hindi na rin halata.

Tumango lang si Backstage at sinenyasan na ako na sumunod sa kanya, "punta na tayo sa kabila."

Lumabas kami sa tent at buti nalang nawala na ulit yung araw at naging maulap muna sandali. Napatingin ako kina Ashton habang naglalakad kami papunta sa kabilang set, hindi pa rin sila tapos sa singkamas nila.

"Uuuh, ano yung hot-bodied mess?" Tanong ko sa kanya.

May tiningnan muna sya sa mga papel na hawak-hawak nya bago sumagot, "wala lang yon, mga predictions ko lang."

"Katulad ng?"

Naglabas sya ng isang papel na puro check marks na.

Binasa ko yung mga nakasulat.

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon