Chapter 58 - Under the Tent [Part 6]

3 0 0
                                    

-Day 37, Friday, February 21-

"Sabihin mo nga sakin, maganda siguro buhay ng isang half-breed no?" Unang tanong sa akin ni Artur, malipas ang ilang segundo.

"Half-breed talaga eh no?" Natawa ako sa sinabi nya, "galing ng terms talaga eh no?"

"Anong mali sa sinabi ko? Pansin ko lang kasi na parang wala ka na atang projects matapos yung Barkadas, ano na nga pala nangyare sayo?"

"Maliit na modelling projects nalang. Pinagpatuloy ko naman na ulit yung school ko eh."

Napangiti si Artur sa akin, "Ah... nalaos ka kaagad?"

"Tanong tanong ka pa dyan alam mo naman yung sagot..."

"Galing ka rin Noontime Surprise di ba? Isa ka dun sa isang show na may mga dancers, nalimutan ko yung pangalan. Dancer ka rin pala dati ano?"

"Hoy, hindi yung ganung dancer ah! Noontime Surprise dance competition yon!"

"Yep, at yung mga lalaki diba galing din sila dun?"

"Yeah, mga dancers kaming lahat sa Barkadas, naaalala ko pa nga noon na gusto raw nila gumawa ng bagong love team kaya lang niisa samin hindi naman sumikat eh, unti-unti na akong nawala sa showbiz after that, wala na atang nakaka-alala pa sakin dun eh."

"Oh ganon? Tanong ko nga lang ilang kayong mga half-breeds dun? Anlaking variety siguro no? Half-Europeans, Half-Australians, Half-Neanderthals..."

Parang may mali dun sa huling sinabi nya eh, pero hindi ko na pinansin, "actually kaming lahat puro half dun, and the rest gluta't retoke..."

"Disposable lang ba kayong lahat? Matagal na akong nagtataka dun kung bakit yung mga lumilitaw sa mga palabas may accent pa eh."

Napabuntong-hininga ako sa sinabi nya, "yun nga yung hindi alam ni Ashton eh, kaming mga half-breeds doon e sobrang disposable lang talaga sa dami ng pumapasok. Nagustuhan ako nung isang producer at gusto akong pasikatin kaya nga lead ako nun sa Barkadas eh."

"Pero hindi kayo kinaya? Bakit kaya? Yung timeslot nyo na nga e before Noontime Surprise tapos hindi pa rin kayo kinaya?"

"Eh ganun talaga eh, minsan hindi lang talaga successful ang isang palabas..."

"Mahaba yung run nyo ah, so ibig sabihin pala e maraming viewers, kaya extend lang ng extend hanggang sa nagka-restart pa."

"Restart?"

Huminto sandali si Artur, "imagine mo Wattpad, parang tapos na yung istorya kalahati pa lang ng chapters, and then next chapter nakita mo na pala na naghiwalay yung leads ng kung ano mang rason tapos restart na yung buong story, dumoble pa yung haba ng chapters."

"O ganun ba? Tama ka nga dyan, ganun din yung-"

"'Wag mo nang i-explain, napanood ko yung buong series, masasabi mo na rin na isa akong fan."

"Awww, fan kita?"

"Antanga kasi ng plot nyo eh."

"Aru! Grabe ka naman..."

"Paano nga pala mag-planning yung screenwriter nyo?"

"Honestly, hindi ko talaga alam eh, bibigay samin yung script tapos gagalawin nalang namin yung kung anu mang naka-sulat."

"Nag-romanticize pa ng Coronary Artery Disease..."

"Eh, hehehehehe... alam ko nga yon. Di ko naman in-expect na si Lyn ganun den, kamusta na nga pala sya?"

"Okay naman sya ngayon, pero hindi muna lalabas ng van, kita mo nung mga unang araw nawawala rin? May nangyare din kasi nun."

"Oo nga , wala nga sya nung unang araw..."

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon