Chapter 52 - The Condition

7 0 0
                                    

-Day 33, Monday, February 17-


"For the past two days, naisip mo na ba talaga kung confirmed ka na?" Tanong ni Backstage sa akin sabay sandal sa bakod.

"As you wish, in na ako dyan, wala nang iba diba? Plus fame and tons of fame..."

"Hmmm."

Humangin sandali dito sa pwesto namin.

Pinagmasdan muna naming dalawa yung pag-aayos ng set sa Fish Street, or kung anu mang pangalan non. After a long while, magbabalik na si Ilana sa camera.

"Oh ano na ngayon daw?" Tanong ko sabay turo sa pinto sa likod naming.

"Nothing serious naman daw..."

"You sure wala?"

"Nah, matagal na nilang kasama yang si Doc, even before mapunta ako rito, magaling na yan. General practitioner yan eh."

"Heh, alis na ako?"

"Ako na bantay kay Selena rito, may taping ka pa..."

"Bakit nga pala hindi ka na nagdi-direct samin ngayon? Bakit si Lesley na? Di ba dapat ikaw pa rin? Parang ilang beses ka lang tapos palit na kaagad ah."

"Si Celine nga kasi, hindi nga pwede bilad, parang caretaker nako ngayon eh."

"Yung kapatid mo naman nasa loob ng van ngayon diba? Bakit hindi ka muna punta sa set para nood ka na rin?"

"Heh, sige na nga, sandali sabihin ko lang kina Son dito sa loob," sabi ni Backstage bago pumasok na sa van.

Pagkalipas na nga ilang minuto, lumabas na sya.

"O sige, lika na, malayo-layo pa sila ngayon."

"Medyo mabagal ka ngayon ah, ano ba talaga nangyare dun sa loob? Paano na yung NeNa tapings? Siguro kumalat na yan sa news diba?"

"Alam mo, Mari, may itatanong na ako sayo eh. Alam mo naman siguro na si Thunder yung magpapa-sweldo sayo diba? Si Thunder, at hindi ako."

"Oo nga, ano naman yun?"

"Nanghihinayang na ako sa kinikilos mo eh, may ipapagawa ka ba sakin o wala?"

"Ano bas a tingin mo ginagawa ko rito?"

"Parang ang hilig mong mag stick around samin eh... kaduda-duda na yon para sakin."

"Grabe ka naman, para naming lahat ng dumidikit sayo gusto kang i-backstab."

"Time will tell, ah basta. Punta na nga tayo don."

"May history ka no?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa set, "baka gusto mong ikwento yan oh."

"Nah, too risky, 'wag na lang."

"Please?"

Hindi na nya ako sinagot at tahimik na kaming naglakad sa set. As usual, si Lesley nandun na, at yung isang director na na-hire.

Parang hindi talaga maganda mood ni Backstage ngayon ah, payag kaya sya libre ko ng ice cream? Parang ice cream lang naman talaga alam kong pang cheer up eh. Ang mga geniuses ba may sariling cheering up?

How about wolf-dogs?

"I'm surprised you're here, how's the other one doing?" Tanong ni Lesley sa kanya.

"She's doing fine, so where are we?"

Nabigla ako kay Backstage, parang biglang umayos sya kaagad ah, nasan yung bad mood kanina?

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon