-Day 139, Sunday, June 3-
Tumingin ako sa orasan sa smartphone ko at nakita kong halos 2pm na pala. Kakatapos lang namin sa isang stopover at ngayon eh back on the road na kami.
"Nangangawit na yung binti ko rito! How long pa ba?" napalakas ko nalang yung tanong ko nung nag-inat ako.
"Tumingin ka sa labas." Kinalabit ako ni Kendo. "Hindi mo ba naaalala 'tong kalsada na 'to?"
Sumilip ako sa bintana at medyo nahalata ko nga! "Diba ito yung road na pumunta pa kayo sa harap sakay nung heli ni Thunder noon? Naaalala ko nga rin na dito ko unang nakita si Brianne, nung panahon na ultra fan pa nya ako."
"Good times eh no? Nung simple pa lang yung mga bagay-bagay."
"Ayan ka nanaman sa pagiging philosophical mo eh. Ganyan ka lang talaga magsalita eh no?"
"Kaya nga walang tumatagal diba? Okay lang, sanay naman na ako eh. Just sit back, enjoy the ride... and we're headin' to Pinagpala in no time!"
"Not a problem! Hindi ko na uulitin pero the fact na nandito ako ngayon eh ibang bagay yan!"
"At dyan nga yan maaasahan eh!"
Inangat ko nanaman yung XXL jacket. "Pwede na ba?"
"Wala ako sa mood eh. Let's talk about EN-2 nga muna sandali? Ano na bang nangyare don? Paano na nga pala yung role mo ha? Ngayon nalang ako magtatanong since ngayon lang naman na ako nagising eh."
"Ahh yung role ko? Madali lang daw yun at yung BT-7 nalang yung gagawa nun. Ano na nga pala yung nasa Pinagpala ha? Naangatan namin kayo ng views ah!"
"Ah kasi naman puro bikini kayo eh. Tapos ikaw na yung official head of EN-2! What can I say? 'Yang retoke mo naman kasi eh sexy talaga eh..."
"Ikaw naman nagsisimula ka nanaman eh. Kaya siguro hindi ka masyadong lumilingon dito noh!"
"You betcha... Gusto ko seryosong usapan at hindi distracted ako ng cleavage maya't maya. Ano ka ba naman! Lalake pa rin ako no!"
"Eh hehehe ano na nga dun sa Pinagpala ha?"
"Nataasan nyo kami ng views malamang kasi puro metal bikini na kayo. Normally in Philippine television eh laging pambabae lang ang mga palabas pero itong EN-2 eh punung-puno ng mga metal fantasy bikini. Eh di hinakot nyo rin yung mga lalake!"
"Para namang wala kayong Ate Walter dyan ah..."
"That's the idea. May pinaparating akong istorya sa Pinagpala. Ang problema lang eh sobrang sexy rin nung costume ni Ate Walter at lahat ng tao naglalaway sa kanya imbes na... you know... intindihin yung istorya? Kaya tinanggal ko na lahat ng mga nakatalikod na scenes habang kayo puro bikini na."
"Oh ganon?"
"Yeah! Napatunayan ko lang na hindi man lang marunong umintindi ang mga Pinoy, not this time yet. Darating ang araw na masasanay ang Pinoy sa quality TV pero that day is not this day."
"Ah nakita mo na rin ba yung global release nung Bayani sa Silangan? Puro kalandian nalang sila ah! Did ya see? Nanonood naman kayo gabi-gabi diba?"
"Yep, parang ikaw lang, purong kalandian lang at no content! HEHEHEHEHE!"
"Ikaw ah nagsisimula ka nanaman dyan ah. So ibig sabihin din pala nun eh nanonood din kayo nung EN-2? Ano sa tingin mo?"
"Hinde naman palagi pero... yung storya nyo naging kalokohan nalang na parang ang unang sumagi sa isip eh saksak agad. Alang'ya eh puro bakla ata yung directors nyo eh!"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...