-Day 41, Tuesday, February 25-
Okaaay... so ngayon nadamay ko pa yung kuya ko sa mga kalokohan ko kanina. Ano nang gagawin ko ngayon?! Dalin pa yung bwiset na yon dito? Hell no! There's gotta be another way, diba?
Tapos yung mga descriptions sa kanya ni Ma'am Aparador, ay sus! Grabe naman! Awkward...
If only nag-usap na kami ni Kendo kagabi eh tungkol sa mga ganitong bagay-
Wait nga lang... bakit nga pala hindi ko sya kontakin ngayon diba? Ilang araw na rin naman nyang inaantay yung planning, o ngayon nandito na! Na-contact ko naman sya nung na-stuck ako sa banyo ng mga paparazzi diba?
Nilabas ko yung phone ko at sinubukan syang i-video call...
...
...
...
Walang response, looks like tsambahan lang yun nung last time, at buti naman! Pero ngayon? I'm screwed! Paano na kung nalaman ni Kendo na dinamay ko pa yung kapatid ko rito?! Okay lang ba sa kanya?! Hindi ba hirap na hirap na sya dun sa pagpa-plano sa Pinagpala? Ano na ngayon?! Editor pa sya?! Alam ba nya ang pagiging editor?! Alam ko ba rin ba ang pagiging editor?!
Or worse, marunong ba magpanggap yung bwiset na N.b.F.z. na yon?! Bakit sa lahat ng mga pwedeng sabihin eh sya pa?! Bwiset talaga oo... Bakit ba kasi Half-French yung naisip ko eh...
Oh paano na ulit kay Kendo?! Paano kami mag-uusap mamayang gabi?! How?! Who?! What?! When?!
I'm so screwed na rito! Baka magalit pa sya! Baka sabihin nya binabackstab ko pa sya! Baka ito na nga yung prediction na ginawa nya kagabi! Oh my god!
Tuesday palang... what if dalhan ko sya ng sobrang daming regalo sa weekend, baka naman okay na yon diba? What if i-treat ko sya sa resto?! What if- AAAAARRRRGHHH!
ANO NA?! ANO NANG GAGAWIN KAPAG NATUKLASAN NYA NA DADAMIHAN KO PA YUNG TRABAHO NYA?!
Tutulong na kami dito sa Enchantine 2 tapos meron pa sya sa Pinagpala, tapos yung mga bashers, yung mga critics, yung mga model na linalandi nalang sya everyday... tapos ngayon eh editor pa?! What the heck ba ang trabaho ng isang editor ha?! I'm so getting confused!
Paano na? Dadalin ko si N.b.F.z. dito kunwari syang editor, tapos maghahanap nalang kami ng isang tunay na editor! Tama! Bakit ba kasi naisip ko kaagad si Kendo, haha! Tapos yung editor na yun yung magpapanggap! Tama! Ang talino ko talaga!
WAAAIIITTTT-
That would mean na bibigay ko yung script dun sa editor! Holy crap! Hindi dapat malaman yun nung editor! Against yun sa rules! Bakit naman kasi wala man lang editor dito sa BT-7?! Anong klaseng studio network ang walang editor?! Holy crap!
In the end... kay Kendo pa rin talaga... eh hehehe... kung meron mang iba pang paraan eh masyado nang tustado yung utak ko para mag-isip. Masyado na akong hilo...
Oh my god... para na akong aatakihin dito ah... sheesh...
Hinay lang, G.A., may bukas pa...
IF ONLY MAKATAGOS AKO MAMAYANG GABI!!! AAAAARRRGHH-!
"Woah, ang galing mo naman gumawa ng iba't ibang mukha sa harap ng kinakain mo ah."
Wait-what-ano...?
"Wala pa akong nakikitang ganon ka-varied na facial expressions sa harap ng kainan, I'm impressed!"
Ay oo nga pala, yung date namin ni Christian...
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Fiksi Remaja[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)