-Day 316, Tuesday, November 27-
Nye-nye-nye-nye-nye-nyeh... Tingnan mo nga naman... parang kelan lang eh sinabi ni Kendo na halos lahat ng problema eh ilang words lang ang kailangan.
Oo nga totoo 'yon, nung kinausap ko lang naman din sya para pabalikin ako eh mukhang gumana naman eh, wala namang problema don.
Ang kaisa-isahang katiting na problema lang eh I think pinagbigyan nya kaagad si Lyn nang parang ganun-ganun lang. Ako nga inabot pa ng ilang linggo bago lang mapunta sa good side ni Kendo tapos 'tong babaeng 'to eh parang instant na kaagad! Andaya naman! What gives?
I mean hello? Pinagseselos ang crush? Sinong 22 year-old ang gagawa non? Alam ko kahit ako hindi ko naman gagawin yon... kasi wala naman talaga akong BF at ngayon lang din since highschool...
But anyways... diba red flag na yun...? Ang obvious naman na diba? Five years ba kamo? RED FLAG!
Tingnan mo nga naman... yeeesshhh... Piling pa rin nitong babaeng 'to eh pa-cute pa sya sa boyfriend ko... Kung hindi dahil dyan sa fragile ego na 'yun na pwede naman I-therapist...
"Mari, pwede bang bawas-bawasan ang evil death glare mo, at i-send mo na kay Ma'am Suzy yung mga ginawa natin! Ano ba! Time's a wastin'!"
Nagising nalang ako nung nakita ko si Kendo na kumakaway sa mukha ko. Ano nga pala ginagawa ko ngayon...?
"Mari, nag-usap na tayo tungkol dito ah... pwede bang let's get to the point na?"
Kunyari nalang eh okay na at binigyan ko nalang sya ng thumbs-up. Ang gagawin ko lang naman eh i-send yung files na pinaggagawa namin kay Ma'am Suzy at baka gusto nya ng suggestions dun sa upcoming entry nya ulit sa MMFF – isang spinoff movie ng EN-2.
Pinindot ko na at pasimple nalang ulit ako na tumingin sa dalawang 'to. Nandito kami ngayon sa trailer ni Kendo at nandito nanaman silang dalawa sa kanilang usual na XXL jacket. Nag-usap kami ni Thunder, at 'yun din yung inulit ni Kendo, at lahat kami nag-agree na hindi sasabihin kay Lyn ang nangyare.
Eh lintek na... nakakalamang na sya kaagad ah! Andaya talaga!
Busy nanaman silang dalawa sa usapan nila about wind patterns at clouds, kung bakit hindi nadadamay ang ulap sa mga downdrafts... kung ano man yung topic nila.
Alam kong hindi ko kayang humabol sa mga usapan nila pero pwede ba? If only tigilan lang nitong si Lyn yung boyfriend ko, that would be great.
Nag-abang lang ako sa phone ko habang tuloy ang googly dreamy eyes nya kay Kendo, lintek na rinig na rinig yung puso nya sa inuupuan ko... halatang kilig na kilig nanaman eh. Alam naman ata ni Kendo na may crush si Lyn sa kanya eh! What the hell is going on?!
"Mari, baka hindi mo lang alam na magkakatabi lang tayo rito..." sabi ni Kendo nanaman sa'kin.
"Oo nga, pero hindi man lang ako kasama sa jacket nyo, bwiset."
"Mari naman, buong gabi na nga tayong nag-pinwheel ulit eh!"
"No amount of pinwheeling ang papalit sa XXL jacket, dammit!"
Buti naman eh everytime magsasalita ako eh titigil si Lyn, sheesh...
"Oh ano? Sumagot na ba si Ma'am Suzy? Ano na bang nangyare ah?"
"Eh bakit naman kasi na- you know!!"
"Para sa isang Half-Foreigner sa Pinas eh sure as heck insecure ka sa 'ano' mo ah... considering na andami mo rin namang 'extras' isang tingin lang sa FB eh..."
"Wala akong pake sa 'extras' kasi yung 'ano' ko eh nandito lang! Marami nga akong 'choices' pero ayoko naman sa kanilang lahat eh!"
"Oo na! Pwede bang manahimik ka na dyan? Hindi ka pa naman tapos dyan sa task mo eh! At kami rin naman hindi pa tapos sa outcome nung MMFF entry namin!"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)