-Day 47, Monday, March 3-
"Anong sinasabi nyong wala na kayong maisip??"
I tried... Sinubukan kong hindi pataasin yung boses ko... Mga veteran screenwriters 'tong mga 'to... alam nila yung ginagawa nila...
Except the fact na hindi naman nila alam yung ginagawa nila!
"Darling, kailangan kasi natin ng character closure, yun bang we get to know itong character na 'to," proud na sabi sakin ni Kuya Pochi sabay high-five naman dun sa baklang katabi nya.
"Character closure? Eh bakit puro landian pa rin??" Tumingin ako sa kanilang lahat sa kwarto, "eleven na nga tayo dito eh! Sampu na nga kayo nung ginawa nyo 'tong week 3 script!"
Nag-giggle lang lahat nung pitong bakla sabay tawanan. Yung dalawang lalake at si Mrs. Aparador eh nakangiti lang samin.
"Guys... character closure doesn't mean tambak-tambak na landian, alright? Pagtatawanan tayo nito eh... Teka nga lang at baka meron pa sa mga ibang pages... let me see..."
Habang nagtatawanan yung mga expert screenwriters sa paligid ko eh tiningnan ko muna yung mga ibang pages nung script na dala-dala ko ngayon... Hmmm... page 3! That'll do!
Waaaiiiit a minute...
"Oh ngayon yung isang character naman yung naglalandi ngayon? Gaano karami bang character closure ang kailangan natin eh? Eh bakit parang ito na yung buong istorya natin?"
"Kung kailangan nating gumawa ng world-class eh di ba dapat gawin natin yung kung saan tayo pinaka-magaling? Oh ngayon lahat ng mga beshis dito eh magaling sa... ROMANCE!"
Nagtilian yung mga bading... haaaaayyyyy namaaaaaannnn... I never thought ganito ka-stressful ang writing team ko.
"Guys! Yung istorya natin fantasy! Fantasy! Magic! Magic Armies! Magic pa more!" Napalingon ako dun sa dalawang lalakeng kanina pa nananahimik, "kayo mga kuya, what news do we have?"
"Eh, kami lang in charge sa mga fight scenes eh." Sagot nung isa sa kanila.
"Guys! Diba sabi ko tulungan! Dapat teamwork! naka-usap ko si kuya-"
Hinintay ko munang matapos yung hiyawan nila, "naka-usap ko yung editor natin at ayaw nya talaga! Fantasy yung goal natin! Hindi romance! At random battles!"
"Eh iha, ano bang suggestion mo?" Tanong sakin ni Mrs. Aparador.
"Ma'am, ang suggestion ko po eh actually pag-isipan nyo po yung trabaho nyo, world-class ang aim natin! Dapat talaga may extra effort at hindi tulad lang nung everyday gawa nyo."
Habang nagdadaldalan sila tungkol sa sinabi ko eh tiningnan ko muli yung script na dala-dala ko ngayon...
Ay lintek na...
"Guys, page 6... at sino naman 'tong character na 'to? At bakit naglalandian nanaman sila?!"
"AAAAAAAAAAAAAIIIIIIIEEEEEEEEEEE!!!" Sabay sabay na naghiyawan yung mga bakla.
Mukhang magiging mahirap 'tong trabaho ko ah.
Sandali, cool down ka lang G.A.
Kailangan mo silang i-guida dun sa mga tamang pamamaraan... kaya mo 'to... sampung veteran screenwriters na clearly walang alam sa kahit anong writing... If only ang mga Pinoy eh mapili sa mga pinanonood nila eh! Hindi na sigurong magiging mahirap pa yung gawain ko rito!
Sandali nga laaanggg... week 3 na nga pala ah... so that means...
Hinalukay ko yung mga pages habang patuloy pa rin yung daldalan nila... there's gotta be... alam ko nandito na ako eh... Hindi pa naman ako nakaka-isip nung posibleng role ko kaya ano kaya yung ginawa nila para sakin?
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)