-Day 11, Sunday, January 26-
Ika nga sa sinabi ni Thunder na gagawin nya mamayang gabi, nagkaroon nga ng isang dambuhalang party sa mansyon ni Thunder.
At ika nga rin sa sinabi nya kaninang umaga eh nagpuntahan ang mga high class na mga pinoy, at may news coverage pa! May dumaan na nga na news chopper kanina eh.
Ganito talaga kapag ganyan na kayaman, kung anu-ano na ang pinaggagawa.
Ako... ano na kaya ang gagawin ko kapag ganito na karami pera ko?
Sayang naman at nalaman ko na puro escort pala si Thunder gabi-gabi, parang hindi na sya special.
May crush panaman sya kay Ate Walter.
Hayz... di ko sya maintindihan.
"Bakit naman kasi ganon?!" Malakas na sabi ko, at halos may nakarinig na ata sakin galing dito sa second floor ng mansyon.
"Ako rin naman nagtataka na rin eh..." Mahinang sagot ni Chelsea.
Pareho kaming dalawa dito sa medyo tahimik na balcony sa second floor, pareho kaming naka mala-prom dress. At pareho rin kaming nagtatampo dito sa taas.
"Akala ko may magical feeling... Wala naman pala..."
Medyo hindi muna sumagot si Chelsea, "Ibang iba talaga kapag nakikita lang sa palabas eh no? Lagi nalang pinapakita na andaming babae sa paligid ng lalakeng lead, tapos kapag nakita mo naman pala in real life e iba ang dating."
"Hindi man lang nga nya ako inipit sa bakod eh..."
Nakita kong tinaasan ako ni Chelsea ng kilay, "alam mo, kailangan mo na talagang magpatingin dyan sa ulo mo eh."
"Tapos si Ate Walter pa..."
Napatingin ako sa baba, pero kahina-hinalang wala si Ate Walter sa baba. Sa tangkad nya e madali lang sya makita pero wala talaga sya sa party. Ine-expect ko na ngang sya yung pinaka-aabangan dito eh.
"Gusto mo mainis ka pa lalo? Kapag sinusundan mo pa yung FB ni Walter e makikita mo na planado na nyang magpabawas ng dibdib nya noon pero andami lang nag-reject."
"TUNAY YON?!"
"Yeah... Pero ewan ko na rin."
"Nag-check ka na aba nung Wattpad? Nafilter mo naman na siguro lahat nung ThunderxIlana diba?"
"Hmmmm, maya nalang natin pag-usapan yon. Si Xyra ba nasaan na?"
"Aba'y ewan ko dun, lagi nalang late. Sabi nya intay tayo dito tapos nawawala nanaman... Lagi yun sa set na nagchi-chill lang at tumititig sa mga abs."
"Wow, parang ikaw hinde ah."
Sasagot na sana ako nang biglang may nagbukas ng spotlight sa itaas na nakatutok sa ibaba.
"Alang'ya, rarampa pa ata 'to eh."
Hindi na ako nagtaka, kay Xyra nakatutok yung spotlight. Nakasuot din sya ng mala-prom dress na kulay red habang bumababa ng hagdan.
Parang sa palabas lang ah, kulang nalang e may slow-motion pa.
Hindi na rin nakapagtataka na maraming napatingin, ikaw ba naman bigla nalang gugulatin ng isang spotlight sabay tigil ng music.
Akala ko panaman e parang yung magiging slow-motion lahat.
"Alright, nakita na natin, dun na tayo sa taas."
"Bakit ba kasi kailangan pa nating bisitahin sila? Ano bang meron?"
"Alam mo, Chel, nung minsan tinakot ako ni Backstage na tatanggalin daw nya ako sa Pinagpala."
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...