-Day 344, Friday, December 25-
"Heh, tingnan mo nga naman itong sina Daryl ulit oh, nakikipag-agawan nanaman kay Lani dun kay Ate Walter. Akala ko magiging cute sila pero all-out chaos pala nagaganap nalang palagi! Hahaha!"
Binaba na ni Kendo yung dala nyang plastic na may lamang ice cream sabay tingin sa phone ko. "Sino ba kasi naka-isip nung idea na yan eh. Nagiging viral na nga sila oh!"
"Oo nga eh, maraming netizens na nga ang nagre-request na pag-partner-in sila sa isang palabas eh!"
"Ah oo nga may message din ako galing kay Ma'am Aparador kelan lang. Sa tingin ko eh solid na yang dalawang yan. Di na ako magtataka kung hinihiram na yang isang 'yan."
Kinuha ko na yung vanilla-flavored ice cream na para sa'kin. "Eh kung ganon naman pala yung gusto nila eh why not pagbigyan diba? Hula ko hindi naman din sila makakagawa ng palabas at puro awayan lang ang gagawin eh!"
"Come to think of it. Ang mga beginner romance writers, especially mga babae... eh mahilig gumawa ng 'petty fight chemistry' yung tipong pag-awayin lang yung dalawang lead."
"Ay oo nga puro ganon nga romance na palabas sa Pinas ngayon. Actually nasa BT-7 pala sila ngayong pasko eh ano? Tayo lang nandito eh ano bukod dun sa asungot sa baba," sabi ko sabay turo kay Lyn na nagce-cellphone lang by the pool sa baba dito sa Tangkad Mansion... habang kinukulit naman ni kuya.
"At least nandito tayo ngayon sa bahay nyo at wala sa La Paz, nakakasawa na rin naman ang puro buhangin lang eh. Plus it's Christmas."
Napatingin na ako ulit sa baba at nakita ko na yung dalawang kapatid ni Kendo dumating na pala na may dalang isang blue na plastic. "Nandyan na yung mga kapatid mo oh..."
Sumilip din si Kendo sa balcony ko. "Looks like meron nga silang dechlorinator na nabili ngayon."
Hindi ko na pinansin yung sinabi ni Kendong tunog chemical at tinuro yung isang patong ng mga palabas sa coffee table sa kwarto ko. "Simulan na natin yung movie-day! Sayang nga hindi movie night eh! Mas romantic sana 'yon."
"Eh hindi natin 'to matatapos kung mamayang gabi pa tayo magsisimula. Buti nga binigyan na nga ako ng beta access sa mga palabas na 'to bago pa man ipalabas sa sinehan eh. Pero syempre I choose na panoorin lang sila ngayong pasko."
"Iba talaga ang perks kapag parte ng AS eh ano?"
"Ah hinde si Thunder lang ulit yung nanghingi nyan kaya hindi pa rin ako so yeah..." Tumabi na sa'kin yung boyfriend ko at kinuha na rin nya yung ice cream nya. "Take your pick nga oh. Hindi ko pa tinitingnan yung mga MMFF entries eh para hindi spoiler."
"Ooh dun tayo sa romance! Para makita ko yung nonstop awayan! Hahahaha!"
"Nice try, pero manood kalang sa FB nung away nina Lani eh parang romance na rin naman yun eh... kung sana itigil lang nya yung pagsigaw nung 'chest pillows' ni Ate Walter eh okay na sana..."
"I know right?" Komento ko sabay kuha nung unang palabas sa pile. "Dekada Sitenta."
"Nope!" Umiling si Kendo sa napili ko. "Masyadong philosophical."
"Di ba ito yung mga gusto mo? Philosophical na mga kwento?"
"Tandaan mo lang, Mari, na nandito lang tayo for entertainment. Naisip ko lang naman na wala ka namang maiintindihan eh."
"Awww you care about me!
"Tumigil ka nga dyan, OA ka na ah!"
"Awww lika nga rito! Pa-hug nga ng BF koh!" Aba syempre kilig naman ako eh!
![](https://img.wattpad.com/cover/182463739-288-k50103.jpg)
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...