-Day 19, Monday, February 3-
Mukhang well-received naman yung ginawa kong Jollibee commercial kanina. Wala namang violent reactions of ano pero okay naman.
Ano mas okay, kikita ako ng percentages dito kaya malamang e hundred thousand ang makukuha ko rito.
"Nakakatawa naman yung pagmumukha mo kanina sa commercial," medyo natawang sabi ni Ashton.
Nag-pout nalang ako sa kanya at hindi ko na pinansin, ang galing ko kaya kanina noh! Hindi katulad nya e panay kain lang sa set.
"Okay, is everyone on the same level here?" Malakas na tanong sa aming lahat ni Lesley.
Nasa loob kami ngayon ng isang medyo malaking trailer van na sobrang modified at kasya kaming lahat. Halos lahat ng mga A.S. at kaming lahat na galing sa mga acting workshop e nandito lahat.
Presko pa! Whew!
"Did everyone watched the show?"
Watch the show? Ano bang pinanood namin?
Oo nga pala! Yung competitor naming galing BT-7, Enchantine 2!
"Psst... Hindi ako nakikinig, ano bang nangyare?" Bulong na tanong ko kay Ashton.
"Ba, malay ko, isa lang akong di hamak na lalake, at alam mo naman ako kapag nakakakita ng mga babae sa bikini fantasy armor."
"Alangya, wala ka ring na-gets ano?"
Nag-nod nalang sa akin si Ashton, 'tong lalake na 'to talaga.
"Pssst, ang sexy nung gumanap na Pandora Lightbinder natin ah..."
"Hayz, manahimik ka nga dyan, sumbong kita kay Ate Walter eh-"
"Can I start now? Am I clear?" Tanong ulit ni Lesley sa amin.
"Everything is go, go on ahead, we gotcha here!" Malakas na sagot naman ni... yung make-up artist... na gustong painting-an yung mukha ni Selena noon. Nagawa na kaya nya?
"Okay..."
Nakatayo si Lesley sa bandang kanan lang ng isang malaking projector, at may dalang papel. Dahan-dahan nyang binaba yung dala nya sa mesa naming lahat at-
"THE @^&#*(% ARE THEY THINKING?! ARE THEY SREIOUSLY GOING WITH THIS?! I WRITE BETTER FANFICTIONS WHEN I WAS SIX!"
Dumadagundong yung boses nya at biglang natahimik yung buong trailer van.
Nanlaki yung mata ko nung nagwala sya sa harap ah. Grabe naman, nakakatakot talaga.
"Yeah, preach it, man..." Rinig kong komento ni Kyle. "Is that even supposed to be normal?"
Napangitan ata sila sa palabas.
"Once upon a time, We got challenged to make a better fantasy and based it off of Heroes of the East. At the same time BT-7 decided to challenge us even further by combining their best writers,producers, directors, in one movie series... AND THIS IS ALL THEY'VE GOT?! (*^#^%@!"
Grabe, mas nakakakatakot pa sya kay Backstage.
"I don't wanna say this, but I think we just got trolled," komento ulit ni Kyle, na nasa harap ng mesa at halos katabi na nya.
"They can't be serious with this, did we just got fooled?" Naglakad si Lesley papunta kay Blocky.
Este, Josh pala...
"Are they really serious with this?"
Bakit si Josh? Ano bang kinalaman nya dito?
"Your mom better has better reasons than coming up with this crap."
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...