-Day 49, Wednesday, March 5-
Tinitigan ko ng masama yung phone ko habang nakapatong sa kama.
Akala ba nung phone ko eh hindi ko sya kaya?! Aba'y dun sya nagkakamali! Mas malaki ako sa kanya, isang human being, at sya isa lang na gadget na kailangan pa ng isang malakas na tao para makapagsilbi lang! Ha!
Mahinang piece of electronic garbage-
*Late ka nanaman! Gising ka na kase!*
"WOAH!" Hindi ko na alam kung anu-ano pang nasabi ko nung biglang tumunog yung phone ko! Holy crap! Nandyan na sya! Kaya mo yan! Tao lang naman yan eh! Okay G.A.... you can do this.
"Hey... Thunder... kamusta na sya?"
"Ah maayos naman, bakit?"
"Pwede ko na bang maka-usap?"
"Ah pwede na siguro, medyo nag cooldown naman na kaming lahat dito eh. Sandali ha?"
Binaba ko muna yung phone galing sa tainga ko at naglakad-lakad muna dito sa condo ko at isang hilamos muna sa mukha bago bumalik sa phone.
Dahan-dahan kong pinulot yung phone ko sa higaan at nilagay sa tainga ko at-
"Heeeyy... uh... hi...?"
Nagtaka ako sa tono ni Kendo, I was totally expecting na sisigawan nanaman nya ako. Bakit parang sya pa yung tunog takot sakin?
"Uh hey, Kendo, ako 'to, si G.A., parang may mali dyan sa boses mo ah? Okay ka lang? Ako nga dapat matakot sayo ngayon eh..."
"Uh ano kasi-"
"May nangyari ba kay Lyn?!"
"Ah wala naman, okay naman sya..."
"Eh bakit ganyan ka magsalita? Parang may mali ah..."
"Sasabihin ko lang sayo na pwede ka nang mag-quit sa plano, tapos na, free ka nang gawin ang kahit anong gusto mo dyan na wala ka nang kailangan gawin pa galing dito!"
Nagtaka nalang ako sa sudden shift ng tono nya, parang tunog nag-aalala talaga eh, hindi ko lang ma-pinpoint ng tama.
"Uulitin ko ulit yung tanong ko, okay ka lang ba dyan?"
"Sabi ko na nga! You're done! Finished na, pansin ko lang naman na wala na rin naman nang mangyayare sa TV kahit anong gawin ko eh."
"Parang may pinararating ka rito eh..."
"Wala! You're free to go na!"
"Sinasabi mo ba sakin na hihinto ka na kaagad? Yun na lang?! Dinala mo ako rito tapos titigil ka nalang? Antagal mo na dyan sa AS, araw-araw na bashers, unlimited Bakulaw memes at kung anu-ano pa! Ikaw ang huling taong makikita kong sumuko nalang nang ganun-ganon! Ano ka ba! May maganda akong balilta rito!"
"..."
"Uh hello...? Na-offend ba kita...? Hello...?"
"Uh hey..."
"Alam mo sorry na talaga ako dun sa nangyare kay Lyn, spur of the moment lang yun tapos hindi ko na alam nung nangyare..."
"Hindi na natin pag-uusapan yon, tapos na yon, nangyare na yon, hindi na mababago pa yun. Ang sinasabi ko lang eh yung ngayon."
Bumabalik nanaman sya sa pagiging philosophical nya, baka naman umaayos na sya ulit galing sa kung ano mang mali dun sa sinabi ko sa kanya kanina-nina lang, or whatnot.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...