Chapter 68 - Even More Publicity

1 0 0
                                    

-Day 39, Sunday, February 23-


"Pwede ba 'wag na nating pag-usapan yung nangyare kanina pa? Aba'y dalawang oras na ah..." Napabuntong hininga nalang ako kay Kuya Pochi at yung dalawang kasama nyang bakla at isang babae, "nakakasawa na kayo, alam nyo ba yon?"

In-adjust nung isa nyang kasamang bakla yung white na background ko sa likod at nag-ayos ng kaunti sa lights.

"Inday, maghahanda na tayo ng publicity mo diba? Nagtatanong lang naman kami ng mga juicy questioonnnsss!"

Kinilig silang apat sa harap ko, "ano na ba talaga? Magsisimula na ba yung camera oh hindi pa, parang naiihi na ako eh."

Yung babaeng kasama naman nya tumayo, lumapit sakin, at inayos ulit yung white background ko dito sa studio, at tulad nga nung naunang bakla eh inayos din yung camera naman sa side nya.

"Bale inday, yung gagawin natin yung parang live interview na medyo-planned lang! Hihihi!"

"Planned sa anong bagay?"

"May mga itatanong kami sayo, ibabalita na 'to sa 24 Hours News Balita mayang gabi kaya umayos ka na dyaaaaannn hihihi!"

"Ano na nga kasi gagawin eh?"

"Yung mga unang itatanong ko sayo eh sasagutin mo honestly, bale walang tamang sagot at bahala ka, hindi naman 'to live eh at pwede namang ayusin if ever na may mali kaya marami kang leeway deeaaarrrr... Ang importante lang yung Papa Thunder segment na dapat yung sagot mo eh as juicy as possible! Ahhhhaaaaayyyy!!!"

Kinilig silang lahat sa harap ko ngayon... Anong masasabi ko don? Eh si Thunder yon eh...

"Paanong juicy answers ba ang gusto nyo? Ha?"

Tumayo si Kuya Pochi at humarang sa isang ilaw ko sa kaliwa, in a matter of seconds para syang naging tunay na lalaki sandali!

Bago bumalik ulit sa kanyang mala Jollibee mascot na usual self...

"Classy ka, inday... matibay... matatag... at classy... the moment na dumating ka dito sa pabalik sa building nalaman ko..."

"Oh ngayon para ka nang villain ngayon? Aba'y palakad-lakad pa talaga sa harap ko eh?"

"Nagiging ganito ako ka-seryoso kapag may mga importanteng bagay, inday, importaaanteng mga bagaaaayyyyy..."

"Tulad ng ano?"

"Hindi nga maganda aminin pero... against all odds nang pagiging babae mo... WALA KANG GUSTO KAY THUNDDDEEEERRRRR!!!"

Nag-gasp yung mga bakla't babae sa likod nya na para bang nakarinig ng may delubyong paparating... mas magaling pang mga artista sila kesa sakin ah...

"Oh eno naman ngayon...? Ansarap himasin nung abs nya pero-"

"Walang pero-pero, bakit kaya ganon? Bakit ba wala kang gusto kay Thunder?! Inday, hindi na authentic yan kapag ininterview ka? Dapat kilig-kilig ka pa pero hinde! Naturn-on kalang pero pagdating mo rin samin eh... Wala ka talagang gusto sa kanya not even a tiny bit?"

"Well actually, meron noon tapos nawala nalang over time, masama ba yon?"

"MASAMA YON INDAY! SOBRANG SAMA!"

Nag-gasp nanaman yung mala artistahing mga crew members nya sa likod.

"Ano plano mo ngayon?"

"Gagawa tayo ng isang super specialized answer para lang dito, kasi lahat nung mga tao ito lang ang aabangan eh AAAAAIIIIIIIIIEEEEEEEEEE!!!"

Nagtilian silang apat, "oh sige, what's the plan?"

Nag-angat si Kuya Pochi ng isang whiteboard na may mga nakasulat... Binasa ko sandali at- "Ano namang klaseng sagot yan? Paki-explain??"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon