-Day 22, Thursday, February 6-
Nagtingin ulit ako sa Pinagpala FB page at nakita ko na puro balita pa rin talaga yung NeNa na shipping. Aba'y epektib yung joke ah.
Joke lang ba? Tunay ba?
Ewan ko, parang nauuto na rin ata ako ni Backstage. Nang-uuto ba talaga sya or talagang sina Nero at Selena na talaga?
Bakit sya namula nung meeting nung nabigyan sya ng bulaklak? Mahiyain lang ba talaga sya o ano na?
Alang'ya, naloloko na ata ako. 'Wag na ngang mag-isip at baka sumakit pa lalo yung ulo ko sa ginagawa ko.
Napatingin ako sa set at sa script.
Hmmm, mukhang oras ko na.
Tumayo na ako at lumapit dun kay Ate Lesley.
Sya ata magdi-drect ngayon.
"Whew! Kabisado mo na yung mga linya mo? G.A.?"
Napatingin nalang ako sa bandang kanan at nakita ko si Ashton, na may kasamang isang medyo middle-aged na lalake.
Hey! Sya yung nasa Bayani sa Silangan!
Oo nga pala, yung ilan nga pala sa original e nandito nga pala rin.
Woops!
"Huy! Lumulutang ka nanaman ba?" Ulit na tanong sa akin ni Ashton. Grabe naman, lumutang nga ata ako dun kanina ah.
"Heh, ako pa? Kelan ko pa ba nalimutan yung mga linya ko, specialty ko yun noh!"
"Mahaba yung mga scenes natin ngayon at baka malimutan ko ata! Kalahati e mag a-adlib pa tayo! Bale pagtapos yun ng first set!"
"Sana naman ganun din ako kabilis magkabisa! Tumatanda na ata ako!" Sabi nung kasama ni Ashton.
"Tumatanda ka na, sir Liwanag!" Tapik ni Ashton sa balikat nung kasama nya.
"Oo nga naman, ser Liwanag!" Agree ko naman. Parang natutulad na ako kina Backstage at mas maganda nga talagang mantawag ng codenames lang!
At sa codename, e pareho kaming ginamit ni Ashton yung pangalan nung karakter na gagampanan nya.
Unti-unti pa e nakarating na kami sa set. May nakatayong kalabaw na may sakayan sa likod.
Oo nga pala, ngayon ang punta namin sa Codename: Trade Street... Sakay ng kalabaw...
Para namang sasakay ako dyan.
Ang init, tanghali pa talaga gagawin 'to?
"Buti naman in time kayong tatlo."
Pagtingin ko nalang sa likod, e sina Backstage at Selena nandun nanaman. Yung kapatid nya wala ulit. Si Ate Lesley eh katabi lang din nila.
"Alright guys, it's gonna be one sweaty ride. More grit, more realism! Let's get goin'!" Sabi sa amin ni Ate Lesley sabay turo dun sa kalabaw.
Umakyat na si Ashton, nung makita ko na yung mga camera e hinahanda na rin.
Si Sir Liwanag e humawak na dun sa tali nung kalabaw.
"Wait lang, wait laaangg..." Bigla kong naalala yung sinabi ni Ate Lesley, "more grit? Ibig mo bang sabihin e realistic na pagpapawisan kami rito?"
"Ah, ganun na nga yung gagawin natin, hindi mo ba nabasa yung script mo?" Tanong ni Sir Liwanag.
"Gaano kalayo ba?" Tanong ko sa kanya pero biglang sumagot si Backstage bago pa man magsalita yung kausap ko.
"Hanggang dun sa malayo, 'wag na alala, walang magkaka-skin cancer sa inyo. Anong masama sa kaunting pawis?"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...