-Day 38, Saturday, February 22-
"Magaling ka talaga sa mga chika eh noh?" Tinanong ko si Ellie nung lumabas na kami dun sa ice cream parlor.
Lumingon muna sya dun sa direksyon kung saan naglakad si Miggy kanina bago sumagot sakin, "marami lang akong connections sa higher ups."
"Kung marami kang connections, eh bakita sabi mo wala ka lagi projects? Diba dapat maya't maya ka tulad nga ni Pug?"
"Oo nga pero andaming favorites nila eh, bukod lang kay Pug, nandyan din naman yung mga iba, ano sa tingin mo samin, kaunti lang? Napunta ka lang sa AS nalimutan mo na?"
"Actually, ilang taon na rin naman akong wala sa BT-7 eh, kaya nalimutan ko na rin, so ano nga meron dun sa favorites?"
"Meron lang ako connections, pero doesn't mean may projects ako."
"Wala nga akong sinasabi tungkol dun sa projects, ano nga yung tungkol dun sa mga favorites? Yun ba yung parang ako nung sa Barkadas-"
"Hindi ko naman talaga alam yang palabas mo eh, kelan pa ba yan?"
"On second thought, wag na nga lang... So yung sinasabi mo ba eh andami nang favorites?"
"Marami at puno na yung timeslot, kaya bale ganun nalang yun. Plus ubusan kami ng mga lalaki rito eh."
"Ubusan?" Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko sa narinig ko, how could that happen? "Anong sinasabi mo? Yun ba yung dahilan kung bakit andaming mga babae't bakla kanina?"
"Narinig ko lang yun, pero pansin ko rin naman eh na halos walang lalaki lagi sa studio bukod dun sa mga usual na mga artista, I dunno."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad namin sa BT-7 building nung may naalala akong importante.
"Oo nga pala! Nung napunta ako sa AS eh sinabi nila na exempted na ako sa schoolwork, paano rito?"
"Exempted? Paano naman nangyare yon?"
"Er-yung parang sa mga athletes siguro? Diba exempted sila...? Honestly wala talagang pumasok sa isip ko nun eh..."
"Mga AS yan, malamang may back-up sila dun... Pero paano naman nila gagawin yun anyway?"
"Tanong ko nalang yan mamaya..."
"Tanong? May contact ka pa rin sa kanila?! Alam mo ba number ni Th-"
"Too bad may contract ako na never contact them again, hehe... Harsh."
Sinimangutan nalang ako ni Ellie, "para namang mauuto mo ako dyan, sabihin mo na kasi eh!"
"Nope! No can do! Bawal yon eh, kaya NeNa nalang-"
"O sige NeNa nalang!"
Magsasalita na sana ako nung nakapasok na kami sa BT-7 building kaya...
"Welp too bad maya nalang tayo kwentuhan, umaga pa lang naman eh, sasabihin ko sayo LAHAT ng nalalaman ko sa NeNa at kung paano sobrang authentic nila! Kaya punta na tayo kay Pochi!"
That's... isang paraan para matahimik sya. Buhay showbiz talaga, puro intriga's tsismis nalang lagi, ay sus!
Nanahimik na si Ellie at sinundan ko nalang sya, nag-elevator na kami't lahat, hanggang sa naka-abot na kami sa isang kahina-hinalang sobrang classy na corridor.
I wonder kung yung chopper ni Thunder nandun pa sa rooftop? Mukhang parang walang tao dito sa paligid eh bukod sa janitor.
"Ano kasi eh... hehe... may tanong sana ako..."
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...