-Day 345, Saturday, December 26-
I don't really know bakit ko pa sinabi yun kay Kendo kahapon. Pero what can I say? Sinabi nya pupunta sila ni Lyn dito kahapon eh at hindi naman ako pwedeng magpa-iwan nalang at baka, you know, may maganap pa run.
Abnormaly nga eh walang tao ngayon eh, dito sa... I forgot the name nitong lugar na 'to... Siguro nga talagang pinabuksan lang talaga nila para lang talaga ngayon? Oh well, kapag malalakas naman talaga yung mga kakilala mo I guess. Ni hindi man lang nga ako kilala nung mga staff eh, na kanina pa rin naman nakabuntot sa amin.
Private talaga, tahimik pa nga eh, halos... literally there's no one here at yung mga staff nandito lang para sa tinatawag nilang 'honor' of seeing si Lyn. Kilala nila yung ate ni Thunder na hindi man lang nagpapakita sa camera tapos ako hinde. Ni si Kendo nga hindi nila kilala eh.
Bigla akong naka-amoy ng parang alcohol sabay may pumatong na basang kamay sa balikat ko. "Heeeeyyyy... bakit ka nandituuu...?"
Great... ngayon yung ate pa talaga ni Kendo yung kasabay kong maglakad, really?
"Uh hey! Nagkita na ba kayong dalawa ni Ashton?"
"Ah hinde pa eh, at hindi na ako nagbabalak pa. Bakit? May minamanyak nanaman ba?"
"Hey," sabi ni Kendo sa harap naming dalawa. "'Wag maingay kasi eh."
Oh great talaga... just great... kaming lima na nga lang nandito eh, plus yung mga bumubuntot na mga staff... just great talaga.
'Tong si Lyn naman oh... enjoy na enjoy naman todo-himas pa sa balikat ng boyfriend ko... hmmmph...
"'Musta na nga pala yung naganap dun sa kwarto eh?" Bulong nanaman sa'kin nung ate ni Kendo- Si Kylie nga pala... Bigla ko nalang naalala yung pangalan nya.
"Ah yung kwarto na yun ah? Nothing actually... nnnothingg..." Kagigil talaga 'tong si Lyn sa harap ko... at sure as heck hindi ako nagsasabi ng the same way kagigil si Lani. "Actually wala lang..."
Sasagot palang sana yung kausap ko nung silang lahat nauna na at pumasok na kami sa isang medyo masikip na hallway na may mga pictures ng mga exotic plants sa bakod. Nagsasabi yung mga kasama ko ng mga names at kung anu-ano pa habang ako wala namang maintindihan.
At yung bwisit na mabilis na heartbeat ni Lyn rinig na rinig sa buong hallway at sa tingin ko eh naririnig na rin yun nung mga staff followers namin eh. Yung isa nga malamang eh gumagawa pa ng isang live video.
"I never thought na may Giant Hygro dito sa Pinas?"
Napalingon nalang ulit ako nung narinig ko si Kendo na nagsalita sabay turo sa isang halaman na mukhang aquatic plant. Once again, wala akong idea sa sinabi nya.
Nagpatuloy pa kami sa paglalakad namin hanggang sa makita na ulit nung mga kasama ko yung nature section at binilisan na nila yung lakad nila.
"Wow, parang nadamay ka lang dito ah, kilala mo ba sila?"
Napalingon nalang ako dun sa nagtanong sa'kin at may isa ngang babaeng staff na nandun.
"Ah hindi mo ba ako kilala miss? Kahit any idea kung sino ako?"
"Ay sorry talaga hindi naman kasi kita nakikita sa mga projects nila eh kaya sorry nalang talaga... hehehe..."
Napansin ko naman din na sya nalang yung natitira sa mga sumusunod na staff sa'min. "Hindi ka na nanonood nung EN-2? Nandun ako ah! Artista rin ako!"
"Ay sorry hindi kita kilala eh-"
"Oh, Mari naiwan ka na! Nandun na kami sa Freshwater Systems. Ano pa bang ginagawa mo rito?"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...