Chapter 17 - The Backstage

11 0 0
                                    

-Day 5, Wednesday, January 20-


"Nakita mo na yung news? Hahahaha! Gumana nga yung mga ginawa namin kahapon! Hahahaha!" Hindi ko talaga mapigil yung tawa ko nung makita ko yung newsfeed sa Facebook ko na punong puno ng mga 'Leaked info'.

"Talaga?" Tanong ni Chelsea, "kunwari lang talaga 'tong mga 'to?" Halos matatawa na rin sya.

"Kunyari e napicturan ko lang yung set. Tapos ito yung inalog ko pa yung camera ko para mukhang malabo!"

"E paano naman 'tong isa? Official shots ba 'tong mga 'to?" Sabi nya na nakaturo sa isang pic ko sa full costume ko.

"A yan, oo official yan. Ako lang e no? Ganda ko dyan di ba?"

"Bakit nga pala tayo nandito?" Tanong ni Chelsea habang patingin-tingin sa paligid.

"Ah nandito tayo para magtingin-tingin sa backstage. Samahan mo kong bwisitin natin yung screenwriter."

"Ano ka ba? Baka foreigner pa sila!"

"Kilala ko silang dalawa, nakita ko na nga e. Yung isa pinoy lang at yung isa malaki tsansang maging late."

"Hindi ka ba nagtataka na nag-aassume ka lang na late sya? Paano kung hindi?"

"A basta, lika na!" Tumayo na ako sabay batak kay Chelsea papunta sa kwartong alam ko na nandun si Mr. Backstage, ika nga na sabi ni Nero kahapon.

"Siguradong sigurado ka talaga dito ah? Kapag tayo nahuli-"

"sasabihin kong ako yon! No worries!"

Maya-maya pa e nakarating na kami sa isang ordinaryong pinto, "ito na yon," sabi ko sa kasama ko.

Hindi na sya sumagot pa nung dahan-dahan kong hinawakan yung handle ng pinto.

Lock pala.

"Pupunta-punta tayo dito tapos lock lang pal-"

Hindi na ulit natapos yung sinabi ni Chelsea nang narinig namin na unti-unting nagbubukas ng lock yung pinto galing sa likod.

Tingnan mo nga naman kung sino yung nasa loob.

"Nandito ka nanaman?"

Si Backstage nga.

"I see na nagdala ka na rin ng kasama mo? Anong balak natin ngayon eh?" Tanong nya sa akin nang hindi man lang binubuksan yung pinto. Ano bang hindi namin pwedeng makita sa loob?

"Ah-eh ano kasi, sabi sakin ni Nero kahapon-"

"Hmm, sabagay, ngayon din naman ang first day ng taping para sa iba pang mga teaser trailer. Pasok na kayo dito, wala pa naman yung kasama ko e."

"Aba'y syempre naman sir Backstage," sabay tingin ko kay Chelsea at natawag ko itong A.S. na 'to sa isang nickname.

Pagpunta namin sa loob e nakita ko ulit yung kapatid nya na nakatayo sa isang sulok. Hindi ulit sya nagsasalita katulad nung isang araw din.

"At sino naman 'tong kasama mo eh?" Tanong nya samin nung umupo na sya. Sinenyasan na rin nya yung kamukha nya na umalis na. "Maya nalang status," sabi nya sa kapatid nya bago umalis.

"Kambal kayo?" Tanong ni Chelsea. Sinagot naman sya kaagad ng 'hindi'. Pero magkamukha talaga sila!

"Hindi ka na talagang magtatanong kung nasaan si Ryan no? Hindi na darating yon, 'wag ka na umasa."

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Sabi nina Lina sakin, may bago syang bilyonaryong boyfriend galing Pinas. Kung dumating man sya dito e i-expect nyo nang meron syang kasamang lolo."

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon