-Day 292, Saturday, November 3-
"So what's the final verdict?" mahinang sabi ko sa kasama ko. "Agree ot not agree...?"
"Ah-uuuuhhhh sa tingin ko eh kailangan ko munang mag-research dyan-"
"Kendo naman, kailangan pa bang i-research 'to? Anong klaseng tao ang kailangan pang i-research kung paano maging BF ah?"
"Uuuhh ako...? Wala talaga akong idea eh. Ang pagkaka-alam ko lang dito sa ligawan sa Pinas eh hindi naman talaga mag-uusap at uupo lang ng magkatabi sa iba't ibang lugar. Parang yung mga nakikita ko noon sa Burger King."
"Ah yun? Millenials kasi. Tayo rin naman millenials eh."
"Am-boring naman kasi nung paraan na yun at lahat naman kasi ginagawa yon kaya... pero tinatamad ako dun. Kung BF requirement yon eh hindi ko yun susundin."
"Para naman may requirements pa sa mga bagay na 'to ah-"
Nahinto kami pareho at mabilis na napalingon sa bintana. Kidlat lang pala, akala ko kung meron nang sumisilip na camera dito.
"Ah hinde eh. Kasi nga isa kang millenial na artista at malamang yun din ang style ng panliligaw na alam mo. Eh tinatamad ako eh. Ok naman na siguro sa'yo na hindi ko na gagawin yon diba?"
"Ay sus naman Kendo, marami namang-"
"Pero kung titingnan lang natin yung mga pinaggagawa natin for the past few months eh masasabi mo na rin na matagal na rin naman tayong nagliligawan eh... Kahit na hindi ko naman sinasadya yon."
"Ah eh hehehe... Kaya nga kita 'ano' eh... hehehe..."
"Pagpatuloy ko nalang kaya eh no? Wala rin namang pinagbago eh."
"Sabagay halos wala nga. Pero syempre dapat entitled na rin ako sa mga ibang bagay!" sabi ko sabay upo ng straight. "Meron na akong rights!"
"Rights sa ano? Matulog sa isang kama?"
"Uh-"
"So kaya pala parang planado na lahat dito eh no? Kanina mo lang 'to hinanda. Grabe naman andami pang preparations kung pwede namang wala lang. Hindi na nga natin tinuloy yung Condo Buddies na palabas eh."
"Nah, disposable trash lang yon para i-set ko lang yung mood."
"Gusto ko sanang maka-usap yung screenwriter non at kailangan nya ng romance lessons... Lintek na sa tingin nya siguro eh kaunting away lang eh meant to be na kaagad!"
Humiga na ako sa kama. "Ikaw rin kailangan mo ng romance lessons in real life."
"Oo nga eh, at sure as heck hindi ko gagawin yun ngayon hangga't hindi ka naliligo-bwiset nang amoy pawis ka nanaman."
"Eh hehehe aalis ka eh! Dito ka lang okay?"
"Sabihin ko nalang muna kina Son at balik nalang ulit ako rito, bilisan mo lang ha? And please wag ka nang magsuot ng masisikip na T-shirt."
"Hey! Girlfriend mo na ako! I could wear whatever I want!"
"Hoy hinde pa ah! Nagsisimula pa lang tayo. Lamutakin ko yan gpagmumukha mo eh-"
"Narinig ko yoooooonnnnn! Baka sinasadya mo lang kalimutan pero official na tayooo! Hindi mo na ako pwedeng i-threat nang ganyan kung ayaw mong lamutakin din kitah!"
"Ah hahaha! Oh sige, labas na muna ako. Bilisan mo ah!"
Tumango na ako sa kanya at umalis na sya habang ako tumayo na rin at binuksan yung maliwanag na ilaw. Medyo nagugutom lang ako sandali at minadali ko nang kainin na yung buong steak na naiwan sa'kin kahit malamig na.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)