-Day 292, Saturday, November 3-
"Wala talaga akong idea..." mabagal na sabi ni Kendo sa'kin. "Buong buhay ko expected ko nang hindi naman na darating 'tong araw na 'to eh... Kung meron man..."
"Ah-eh- kung-"
"Gusto ko kasi yung masarap kausap. Yung tipong pwede kaming mag-usap nalang ng ideas at hindi ako matatawag na weirdo. At so far eh isang babae pa lang ang kayang gawin yon."
"Eh-eh-eh hinde naman sa ganon hehe-!"
"Aaminin ko na rin sayo na nagustuhan ko na rin si Lyn noon kaya lang tingnan mo naman ang pinagkaiba. Halos mukha syang supermodel tapos tingnan mo naman ako, hindi man lang nga ako matangkad eh! Hehehe..." Napakamot ulit sya sa likod ng ulo nya at habang ako nandito pa rin at balot na balot ng kumot na malamang puro pawis na rin.
"Eh pa-paano naman ako di-diba? Tu-t-tumagal ako naman di-diba? Okay naman ako diba?"
"Allow me mag-explain muna, Mari..." Napahiga na si Kendo sa higaan. "Nasanay na rin ako na magkakaron ng manliligaw si Lyn na direct replacement ko balang araw kaya okay na rin sa'kin kahit paano. Oh kita mo ngayon, lagi na silang nagkikita ni Nero for some reason. Yun na pala yung araw na yon. Mine-message nalang nya ako pero hindi ko na rin naman na binabasa 'yon kasi balita nalang sa kanilang dalawa..."
Sinubukan kong lumapit sa kanya kahit na balot pa rin ako sa kumot ko. "Ah kasi naman time g-goes on..."
"Gusto ko ng tulad ni Lyn, pero impossible na 'yon. Ayoko ng hindi naman bagay sa'kin. Pero hindi naman na darating yung araw na 'yon eh. Tapos bigla kang lumitaw..."
Nanlaki yung mata ko sa narinig ko. Sa tingin ko ito na ang final verdict!
"Alam mo Mari eh natural naman na akong ganito magsalita eh. Kung gusto mo akong tawaging sweet talker eh okay lang kasi most of the time sinasadya ko naman eh..."
"An-a-ano kamo...?"
"Tama yung narinig mo. Kaya nga hindi ako naaasar ng 'pangit' eh kasi kaya ko namang kumuha ng kahit anong babae ngayon na AS na ko, oh kahit noon pa man eh for some reason. Pansin ko lang naman kasi kapag nagkaron na sila ng crush sa'kin eh tsaka pa lang sila makikinig. Wala naman talaga kasing gustong makinig sa mga random ideas ko eh bukod sila lang ng hindi ako sinasabihan ng weirdo... Kapag may crush na sila sa'kin eh okay lang nila pakinggan kahit anong sasabihin ko."
"Eh-eh p-paano yung sa'kin?"
"Yung sayo...? Hindi naman na ako nagtaka kasi alam kong marami ka namang replacement sakin sa BT-7 plus akala ko naman na enjoy ka lang sa hang-outs natin eh kaya tinuloy ko na rin."
"A-ano...?"
"Mari, wala ka naman talaga dapat ngayon dito eh. Kung hindi dahil dun sa yate ni senator eh wala ka na rito..."
"K-Kendo ano ba yan? Ano ba talaga gusto mong sabihin ah? Nag-iintay n-na-na ako rito!"
"Ang sinasabi ko lang eh hindi ko nga in-expect na magkakagusto ang isang Filipino-French artista sa'kin, alright?! Anong klaseng taste sa lalake yan?!" sabi nya sabay ngiti sa'kin. Does that mean clear na kami?! Eh wala pa rin akong sagot na nakukuha sa kanya!
"Eh hehehe ma-masasabi m-mom-mo na rin na kakaiba ako he hehehehehhhh..."
"Ang hirap paniwalaan pero napatunayan mo naman eh. Unless nagda-drugs ka nanaman at para kang ma tuliling kanina! Hahaha!"
"K-Ke-Kendo! A-a-a-a-a-an-ano ang sagot ha...? B-ba-bagong level ng friendship hahahaaahhhh..."
"Hindi naman kita type eh pero life is short... I wonder...? Pero wala naman sigurong masamai kung subukan diba...?"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...