-Day 49, Wednesday, March 5-
Tiningnan ko yung papel sa harap ko... Let's see... analysis ng script... Looking good so far... Hindi mukhang quality na pinag-tulungan ng actual sampung tao pero ano bang masasabi ko sa mga writer na halos sampung taon nang hindi nagbabago ang writing style.
At least meron akong mga ibang bagay para hindi naman ako full-blown stressed ngayon. Mag-uusap pa kami ni Kendo pag-uwi. Sana naman eh okay na mood nya non.
Tiningnan ko yung set nila, may mga artista na sa harap at nagta-tape na habang ako nakaupo lang dito sa dirtector's chair at nagbabasa ng script.
If only may guidance lang ako ni Kendo sa gagawin ko ngayon eh di mas madali pa lalo, eh hindi naman kami nag-usap na since Monday!
Ang kinaiba eh nag-research na ako ngayon... ng isang oras... siguro naman sapat na yon, susundin naman nila lahat ng sasabihin ko eh, tapos paayos ko nalang if ever na hindi na galit sakin si Kendo pag-uwi.
Siguro mas maganda na kung hindi ko muna sya iisipin.
Lumingon ulit ako sa mga artistang nagta-taping sa harap na naka full fantasy metal bikini costume, na obvious naman na mali. Kinuha ko yung pen ko at nilista ko sa likod ng papel na 'metal bikini need replace.'
Hindi ako makapaniwala na hindi pa rin nila makita yung obvious.
So anyways... ano na bang nandito sa papel na dala ko ngayon... I heard na buong gabi sila nag-prepare dito sa revision na 'to, siguro naman sana eh maayos na 'to at hindi puro kalandian at kabaklaan nanaman. Bakit ba walang reaksyon si Mrs. Aparador na puro kalandian na yung nakasulat? Wala ba silang pake-alam kung mapahiya kami globally?
Binuklat ko na yung unang page na may nakasulat na G.A. Intro... Hmmm... Ano naman kayang naayos nila sa intro ko. Buti nga nilagay na nila sa harap ng week 3 eh at imbes na landian nanaman.
Scribbles lang naman 'to at draft lang, kung meron man akong mga hindi masyadong naintindihan eh siguro naman okay lang yon kapag kinausap ko sila mamaya.
G.A. pakita sa bahay. Bahay=Pinoy House, simple, maliit, kahoy na sandok. G.A. everyman laging binu-bully kapitbahay kasi mahirap. Ampon. Nawawalang anak ni Grogon Aris. Masamang nanay sa bahay.
Lalabas ng bahay, aasarin ng kapitbahay, kita kaibigan, sabi tungkol [Pizza Hunk], tapos dating [Miggy Hunk]
...
Tinigil ko muna yung pagbabasa ko at nag-mental facepalm nalang. Pinaganda nga nila yung istorya kaya lang eh naging tunog teleserye naman ngayon? Nawawalang anak na pala ako ngayon? Seryoso pa ba 'to? May alam pa ba silang gawin?
Pizza Hunk Miggy Hunk pa talagang nalalaman eh no? Sinabi ko sa kanila na palitan yung sobrang simple at purong kalandian na beta draft tapos ngayon pinalitan naman nila ng teleserye...? Ummm... hello...? Fantasy teleserye? Fantaserye...?
Haaayzzz... Bakit ba kasi pumayag ako sa plano na 'to eh... I should be nandun sa Pinagpala at sumisikat imbes na nandito ako eeeehhhh... Mga tao rito ayaw naman matuto eh.
Okay... Let me recap for a bit. Yung unang draft eh simple at sobrang landian lang... yung pangalawa eh naging teleserye naman... Ano naman kaya yung pangatlo? Siguro naman maayos na sila sa pangatlo... mukha namang aayusin naman nila kapag hindi ko pinapunta si N.b.F.z. dito eh.
"Cut! Tapos na tayo! Great work guys!" rinig kong sabi nung isang direktor dito na bakla nanaman. Naalala ko tuloy sina Chelsea at A-1, kelan pa kaya i-aapprove na papuntahin na sila rito para may kausap naman ako ngayon. Si Ellie lagi namang busy eh... sikat na model siguro... ewan...
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...