-Day 42, Wednesday, February 26-
"Okaaaayyy... so bale day 8 na tayo counting yung day 5 na pinalabas nung Saturday, so I guess we're doing fine... I guess..." Nagface-palm nalang ako, sa dinami-rami nung mga sindabi sakin ni Kendo kagabi tungkol sa writing tips eh nahahalata ko na, na they're doing almost everything wrong!
"Chill ka lang, Gina! We're almost over!" Sabi sakin ni Ellie sabay tapik sa likod ko.
"Wala namang nakikinig sa tips ko eeeehhhh..."
"Iha, kitang kita mo namang walang mali diba?"
"At sobrang GENUINE nila! Ah-haaaaaaaaaiiiiiiiiii!!!"
Kinuha ko yung remote at pi-nause yung TV screen namin at hinarap ko silang tatlo, "akala ko ba eh gagawa tayo ng world class? Alam kong ang Pinas eh hindi naman Hollywood in terms of actual storytelling pero naka-usap ko yung magaling na editor kagabi at sinabi nya sakin yung mga hindi dapat gawin at kitang kita ko na halos lahat kailangan ng isang decent fix!"
"World class nga, world class romance naman yung nakita ko diba?" Tanong sakin ni Mrs. Aparador sabay kalabit kay Kuya Pochi, na nag-giggle nalang at kinilig ulit.
"'Wag ka namang down lagi, Gina! Learn to lighten up!"
"Uulitin ko kung bakit ako nandito in the first place, kinuha nyo ako para review-hin yung plots nyo at tapos lahat nung mga criticisms ko eh ini-ignore nyo lang eh... I thought world-class nga eh!"
"Play mo nalang kasi ulit, nandito na yung favorite part ko!"
Aba'y kahit si Mrs. Aparador eh kilig na kilig din ah, I wonder kung anong nandon...
...
<Enchantine 2>
"Napakaganda naman ng huni ng boses nya!" Sabi ng isang lalakeng tila naka-suot ng mga bagay na mukhang napulot lang nya sa lapag ng kagubatan, "kailangan syang mapasa-akin!"
Lumakad ang isang maliit na bata na halos kapareho lang din nung suot nya at nagsabi, "KAYA NGA LODI KITA DIBA?! AHAHAHAHAHA!"
<Pause>
...
"Guys... alternate reality itong palabas na 'to diba? Not to mention fantasy pa... bakit nagsasalita sya ng parang isang hipster millenial?" Tanong ko sa kanila sabay kamot ng likod ng ulo ko.
"Para yun sa mga millenials, inday, get used to it."
"Nasisira pa nga yung mood eh... Fantasy? Tapos lodi? Ano na sunod ngayon? Mga lumilipad na kotse?"
"Hoy inday darling ah, walang lumilipad na kotse dito noh!"
"Buti naman... Maaayos pa ba natin 'to? Kasi maling mali na eh..."
"Inday, week 2 na yan, tapos na yan at hindi na pwedeng i-edit."
"Week 2 pa naman ah, next week pa naman yan eh!"
Inunahan na ni Mrs. Aparador si Kuya Pochi at sumagot, "tinatamad na kami eh, effort pa yan, bahala na yan."
"World-class ba ang Bahala na yan?"
"Just play nalang kasi eh, malapit na yung inaabangan ko!"
Napabuntong hininga nalang ako sa kanila, "okaaaayyy..."
...
<Enchantine 2>
"Sino ka ba at papasok ka sa kaharian namin?!"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Jugendliteratur[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...