-Day 9, Friday, January 24-
Pinagpawisan pa lalo si Selena sa tanong ko at parang sasabog na ata.
"N-no, none, nothing, NO-I dun have-NOTHING!" Malakas na sabi nya at natahimik kaming lahat dito at napatingin sa kanya.
Natakpan na ata nya yung mukha nya sa hiya. Tama ba yung nagawa ko?
Lumapit si Thunder sa amin at tinabihan yung ate nya, "the heck happened here?"
"Er..uh... tinanong ko lang sa kanya kung... ano-uh-er... may crush sya kay - sa kanya," sabi ko sabay turo kay Backstage sa malayo, na nakatingin sa akin ng masama. Hindi ata alam kung ano yung pinag-uusapan namin dito.
"Er alam naman talaga natin na 'tong ate ko e talagang nerbyoso lang talaga, bakit hindi kaya hindi muna tayo chill, no?" Sabi ni Thunder na sinigurado namang tinakpan yung ate nya sa view ko.
Tumalikod sya, "how about we take a break, yes?"
"Hindi pa ako natuto eh-"
"Kami nalang dyan!" Narinig naming sigaw ni Backstage sa bandang malayo na paparating na, kasama na rin yung kapatid nya.
Dumating sya sa amin at tumingin kina Thunder, "naha-hyper nanaman, dun na muna kayo sa kotse mo, kami na muna rito."
"Er-kay!" Sagot ni Thunder at in-escort na yung ate nya paalis, na nakababa na yung ulo.
Okay...? Ano na?
"Okay, nandito na tayong apat. Alam nyong dalawa hindi naman talaga ako pupunta dito kung hindi naman ako tinawag ni Thunder. Baka kasi kailangan nyo ng tulong kaya-" sabi nya sabay hagis sa akin ng espada.
Nabitawan ko yung pana ko para saluhin yon.
"Ano namang alam mo sa espada-?"
"Pwede naman nating haluan lang ng logic yan eh," sabi nya sa akin habang papunta na sa kahon kung saan kinuha yung pana ko, at dumampot ng arnis.
"Ni ikaw ba yung nag-ayos nung fight scene ni Ilana kahapon?" Tanong ko ulit. Tingin ko talaga wala syang talent dito at siguro sa screenwriting lang, kung meron man.
"Hinde, pero hindi naman talaga kailangan nyan eh, andali-dali lang gumawa ng fight scene-"
"Oo nga! Kami nga ni Thunder! Galing nga namin kanina eh!" Proud na sabi ni Ashton.
"O kita mo! Okay lang sila!" Agree din naman ni Backstage.
"Ah basta hinde, si Thunder yon, hindi ikaw. Mas magaling magturo si Thunder kesa sayo."
"Aba'y bakit naman ganon? Ni hinde pa nga tayo nagsisimula? Gusto mo pakitaan kita oh," tumingin sya muna sandali sa kapatid nya at nagsabi, "yo! Kayo muna nyan oh. Pakitaan mo ng tamang version ng Chantinian spin attack!"
Nagtawanan sila ng sandali at umayos na kami.
"Naku! Baka isang hataw ko lang sayo e tumba ka na kaagad! Haha!"
Huminto sya sandali, "alam mo, G.A., aaminin ko lang sayo na unti-unti nang umiinit ang ulo ko sayo ah," sabi nya nang may kalmadong ngiti sa mukha nya.
"Har har har, para namang natatakot ako sayo," birong sagot ko.
"Bakit hindi nalang tayo magsimula nalang diba?"
"Sabi ni Thunder nagagandahan ka raw kay Lesley."
Natawa sya ng kaunti, "naniwala ka naman dun. Alam mo naman yun."
"Aba'y syempre si Thunder yun eh!"
"Bahala ka na nga dyan, o prepare na tayo pwede ba?" Sabi ni Backstage sabay angat ng arnis nya, "sasangga ka ng isang right-handed-"
![](https://img.wattpad.com/cover/182463739-288-k50103.jpg)
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...