Chapter 120 - The Legendary Meeting

4 0 0
                                    

-Day 208, Saturday, August 10- 


"You worthless piece of human garbage! Ano ba sa tingin mong pinaparating mo ha?!" malakas na sigaw ko sa paligid sabay punas ng mukha ako. "Nasan ka?! Show yourself!"

Nakita ko yung mga iabng crew umalis na at yung iba eh ngumiti nalang, as if nakakatawa yung nangyari sa'kin ngayon?!

"Uy! Sino ba yon ha?" rinig kong tunog tuwang tanong ni Thunder.

"And who is this?" Nagpatuloy yung nakakairitang boses galing sa paligid. Itong stockroom talaga eh tumatalbog-talbog yung tunog at hindi ko mapinpoint kung nasaan na ba yung bwiset na yun. "Hey! Yung AS ba yan?" tanong nito ulit.

"Ah-"

Hindi pa ako tapos magsalita nung bigla nalang syang dumating sa harap namin galing sa... I think galing sa taas ng mga kahon.

"Woah! Nice one man!" sabi ni Thunder sabay palakpak. "Kakilala mo 'to?" tanong nya sabay turo sa'kin.

"Woooah! You look fabulous!" lumapit si Ilana kay kuya tapos lumingon kay Thunder. "I want may hair just like her!"

"Eh hehehe babaeng-babae ka na talaga ngayon ah? Nahawa ka na ba ng kabaklaan?! Ha?!" Ako naman yung lumapit kay kuya at tinulak ko sya once.

Lumingon na ako sa squad ko. "Ladies and gentlemen, kuya ko."

"Wow! Your sister is beautiful! I like her already!" Lumapit nanaman si Ilana sa'min at niyakap si kuya.

"'Sup man, rockstar ba yang buhok na yan?"

"Aba syempre naman!" Lumingon si kuya sa'kin. "Sabi na sayo rockstar 'to eh!"

Nag-agree nalang ako sa kanya, at nagsabi na dito na muna sila at may hahalukayin pa ako sa labas. Di bale nang nabasa ako kanina pero okay lang naman yon dahil... may wet look na akong maghahanap dito sa studiong walang tao.

Napatingin ako sa damit ko at nakita ko nang bumakat na ng kaunti yung bra ko. Nice one... if only actually naimpress lang si Kendo once sa assets ko.

Naglakad-lakad na muna ako para hanapin si Daryl. Siguro naman eh hindi nanaman nya hahamunin si Bronze sa labas diba? Nandito lang sy asiguro somewhere-

Biga akong umatras ulit sa hallway kung saan ako nanggaling nung may nakita akong pamilyar na mukha. Nakita ko si Danica na naglakad lang sa malayo. Nanghinayang ako sa trato ko sa kanya a few months back. Maybe pagbalik ko rito eh aayusin ko na yun.

Hindi ko naman na rin naayos yung pag-aayos ng EN-2 mission ko rito eh.

Since lumakad si Danica dito eh ibang hallway nalang yung dinaan ko hanggang sa may narinig na nga akong isa pang pamilyar na boses. Hindi ako pwedeng magkamali sya na yung target koh!

Nag-sneak ako ever closer dun sa source ng tunog until na maabot ko na yung hallway na patungo sa dati naming planning room nina Danica at Alan noon. Mukhang may tunog ng isang nagrereklamo na bata rito ah... Sya na 'to.

Dahan-dahan akong sumilip dun sa bakod at nakita ko ngang si Ashley eh nakatayo lang sa harap nung pintong nakasara.

Mukhang nakita naman nya ako eh. "Oy! Si G.A. nandyan na!" bati nya sa'kin na mukhang pinariringgan nya yung nasa loob nung kwarto.

"Hey Ash! Nandito na nga pala kami! Kasama na namin si Lana rito! Ano bang ginagawa nyan sa loob ah?"

"Ah nagtatago yan sa inyo. Nanonood kami nung livestream nyo tapos bigla nyo nalang naisip na pumunta rito sa BT-7 kaya ayan, nagtatago na tuloy..." sabi ni Ashley sabay tro dun sa saradong pinto.

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon