Chapter 88 - The Arrival of Pug

3 0 0
                                        

-Day 52, Saturday, March 8-


Hrrmmmpphhh... Dear god... Oh my goodness... hmmmphhh... Ano na bang nanyayare dito sa studio na 'tooooo... ba naman yan oh!

Hindi ko na napansin eh naka-facepalm na ako dito sa director's chair ko, nandito ako para tumulong sa kanilang mga writing dilemmas tapos sila pa ngayon ang ayaw naman sundin lahat nung mga sinasabi ko, paano naman sila magbabago kung ayaw naman nila makinig?! Kinuha-kuha pa ako tapos ganito lang din ang lalabas?! Anong magagawa ko rito?!

Napalingon ako kay Daryl sa tabi ko, naka-upo lang din at nagfa-facebook sa phone nya. Tamang-tama, kailangan ko rin ng refreshments eh.

"Hoy Daryl, kilala mo si Ilana? Yung sa AS?"

"Kung sino man yon eh hindi ko yun kilala, now if you may excuse me, gumagawa ako ng advertisement dito."

Tiningnan ko yung mga pinost nya sa FB at nakita ko na puro pics lang ng pagmumukha nya. Okay lang yon, cute naman sya eh.

"Check mo na rin, baka magustuhan mo," Biro ko sa kanya sabay tapik nung braso nya.

"Hoy ah, in case lang na hindi mo alam eh sobrang fine-tuned ang standards ko sa mga babae, hindi ka tulad mo, panget ka kase."

"Heh, para namang mao-offend ang isang French beauty na tulad ko sa sinabi mo, check mo na kasi eh, nababagot na ako rito sa ginagawa nila sa harap," sabi ko sa kanya at tinuro na rin yung mga baklang gumagawa ng mga make-shift scenes sa week 3 kasi tingin nila kulang daw yung bigay kong script sa kanila.

"Mga bakla sila, hayaan mo lang sila gawin ang trabaho kung saan sila pinaka-magaling."

Tiningnan ko sya ng isang mala-Joker na ngiti, "I heard may beach photos si Ate Walter ngayon... eh hehehe..."

"Pitiful human! Hindi ako mabilis mag-succumb to primitive desires!"

"Alam mo nagco-contradict yung natural cuteness mo dyan sa threats mo eh, para kang tutang nagmamarunong, ilang pindot lang naman ng daliri mo eh tapos na yun, try mo na kasi eh!"

Hindi na sya sumagot sa akin pero binuksan nalang nya yung official FB page ng Pinagpala. I wonder kung bakit nga pala Pinagpala yung pangalan nung page nila-wait... pinapalitan nga pala nila yun every project nila, my bad.

Nagtingin ako sa FB page nila at puro mga NeNa lang eh... kahit wala naman si Lyn sa mga pics.

"Sino ba kasi rito yung sinasabi mo ha?" tanong nya sakin.

"Yung may ponytail, malaking mata, at matambok na pisngi... yung parang kamukha mo rin?"

"Oh you mean ito...?"

Tumingin ako sa screen at nakita kong nakapindot sya dun sa isang photo nina Ilana at Ate Walter sa tapat lang ng bangin, overlooking yung pirate ship ng Pinagpala. Too bad hindi sila naka-costume.

"Ah yes, yung maliit."

"Ah I see."

Magsasalita pa sana ako nung tinawag na ako nung isang lalakeng direktor at nagsabi sakin na yung script ko na yung gagamitin at nagawa na nila yung scenes na gusto nila.

Hinanda ko na yung script ko, tiningnan once yung greenscreen sa likod nila, chineck na rin kung maayos na yung lahat at pinatawag ko na yung apat na main characters. Maraming nagsasabi na too much work ang greenscreen, pero nainggit naman yung mga bakla eh at gumawa rin sila ng greenscreen scenes nila kaya... win-win?

"Alright guys, prepare na kayo-"

Napansin kong dumating si Mrs. Aparador dun sa greenscreen set namin.

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon