Chapter 41 - A Turn of Events

7 0 0
                                        

-Day 22, Thursday, February 6-


"Para namang gagwin mo yan..."

Huh, nice try Backstage, akala mo tatantanan kita dyan sa hamon mo ah.

Medyo pagod na ako sa dami ng tinape namin kanina pero hindi ako mapipigil nyan.

Oo nga at baka si Mr. Foreigner-na-nananagalog e nasa van na namin ulit, at inaabangan na ako, hindi pa rin ako mapipigil.

Kasi ganon ako katatag!

"Halluuuu!"

May narinig akong medyo boses ng... bata...

"Er... huwag mo na ako pansinin, nandito lang ako... nagpapakatatag... hehe..."

Grabe naman, kung kelan nandito na ako nakatago sa dilim ng shadow ng mobile home nina Thunder ngayong gabi e bigla naman dumating itong isang 'to.

"You want a lolipop?"

"Me no want lolis. Wha'cha doin?" Tanong ni Ilana sa akin habang tinilt pa yung ulo ng kaunti sa kanan nung nagtanong sya.

Pinikit ko yung mata ko.

Kailangan... ma-resist... hindi... pisilin... ang... pisngi....

Hnnnnggghghhh!

"Ika nga sa sinabi ko e matatag ako-"

Dinilat ko na yung mga mata ko at nakita ko nalang na nakapisil na ako sa pisngi ni Ilana.

Wow, so much sa pagpapakatatag ko rito.

Tinanggal na ni Ilana yung kamay ko sa mukha nya at nagtanong ulit, "I dun want cheek-pinches, you know that. Plummybo will be very mad at you."

"Awww sorry naman, ikaw naman kasi eh. Cute mo kasi. O alis ka na rito. May mission ako rito."

"What mission?"

"Super duper important mission, now shoo!"

"Okay!" Masayang sabi sa akin ni Ilana bago sya umalis na.

Buti naman, ngayon... tumingin na ako sa isang mababang bintana nung mobile home at dahan-dahan na sumilip sa loob.

Hmmm... May dalawang tao na nakatalikod na nanonood ng TV. Ano kayang pinanonood nila.

Parang mga higanteng mga fluffy na daga na nagtatakbuhan sa isang mabulaklak na mountainside. May napansin din ako sa isang sulok ng screen at tinitigan kong mabuti.

Nat Geo Wild.

Nat Geo Wild?! BOOORRRRIIINNNGGG!

Heh, sina Backstage 'to hindi na ako magtataka.

Tumingin ulit ako sa likod ko at baka may nakakahalata na sa akin dito. Buti nalang walang masyadong liwanag yung buwan ngayon at nakasuot lang ako ng black na damit. Naka-itim na bonnet pa! Galing pa Marder3! Maximum Camouflage, harharharhar...

Hinanda ko na yung cellphone ko at sumilip ulit sa kanila.

Umangat yung isang ulo at nakita kong si Backstage nga, mukhang parang may sinenyasan sya sa kanan nya.

Hindi ko makita kung sino yon pero bahala na nga.

Isang picture lang nilang dalawa tapos ipopost ko sa FB ko tapos papakita ko sa kanya na wala talagang susuporta sa kanilang dalawa ni Selena as isang loveteam.

Harharharhar...

Wait lang... hindi ba sinabi nya na alam na nyang mangyayari yun? E di bale na.

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon