-Day 23, Friday, February 7-
"Ngayon ay isang magandang gabi nanaman, diba? Anong masasabi mo?" Tanong ko kay Backstage sabay tapik sa balikat nya.
Napatingin nga lang ako sa paligid, parang may kulang eh.
"Si Selena nasaan?"
"Nagpa-check up muna sandali, kaya tayong tatlo lang dito."
"Tatlo, ako, ikaw, at yung kapatid mo, na nawawala rin dito."
Nagtingin din si Backstage sa paligid, "darating din yon, sinabi ko naman sa kanya na dito lang naman tayo sa loob ulit ng van eh."
"Alam mo naman siguro na mobile home ang tawag dito sa sasakyan natin diba?"
"Ano namang masama sa van? Tawag ko lang talaga dito e van, kahit sa halos ten times mas maluwag kesa sa ordinary van."
Nagmasid ako sa paligid at napansin ko na lahat ng bintana e nakasara yung blinds. Presko naman sa labas pero kahit yung bintana mismo e sarado, at naka air-con lang sila rito.
"Pansin ko na laging wala si Thunder noh?"
"Agreement yon, kasi wala naman talaga syang maitulong sa planning, e di sa labas na lang sya. Kasama ng kung-anu-mang escort ang meron sya ngayon."
Napaupo na ako sa isang maliit na upuan na umiikot, "mahilig ba talaga si Thunder dyan sa mga escort nya?"
"Anong masasabi mo dyan? Meron sya status, pera, bata pa, puro escort yan. Kailangan pa bang sabihin ko sayo yan kasi parang hindi naman na kailangan eh."
"Sayang naman, akala ko panaman eh-"
"Ikaw yung sobrang special na babae na kaya syang baguhin? Alam mo, kung kaya mo akong i-convince na talagang special ka nga, e special ka nga talaga."
Napahinto ako sa sinabi nya, "ano? E hindi ka naman si Thunder eh!"
"Hindi naman sa ganun, kung kaya mong sabihin talaga sakin na anong special sayo para magustuhan ka ni Thunder e talagang special ka nga. Dapat convincing ah."
"Okaaayyy... sandali isip muna ako ng dahilan..."
Ano nga ba? Si Thunder na 'to! Puro escort kalaban ko!
"Oo na! I give up na!" Reklamo ko sa kanya, "wala naman talaga akong laban dyan sa mga escort na yan eh!"
Napangiti si Backstage sa akin, "nakakatawa din naman ano? Kapag babae, okay lang na may dalawang lalakeng pinag-aawayan sya. Tapos kapag lalake, dapat special lang yung tingin nya sa mga babae. Yang mga romcoms na yan talaga namaaaaaannnnn..."
Napa-isip lang ako sa sinabi nya, tama naman eh.
"Alam mo rin naman, Backstage, totoo ba na yung IQ mo eh 148?"
"Alam mo rin, Mari, hindi ako naniniwala dyan sa mga IQ test na yan eh kasi ang level of intelligence eh kayang masukat sa iba pang mga paraan. Plus, marami pa akong hindi alam. Anong gusto mo? Maging stereotype ako at nagtatanong ng iba't ibang trivia nalang ng walang rason?"
"Actually, yun nga yung inaasahan ko eh..."
"Alam mo, balik muna tayo kay Thunder sandali, e parang law of supply and demand na yan eh-"
"Alam mo, wala na rin akong alam sa mga sinasabi mo eh. Wala na ba tayong pwedeng pag-usapan na mas simple lang para sakin?"
"Si Thunder e simply hindi ka lang type?"
"Aru! Tinamaan ako dyan sa sinabi mo ah! Sakit naman, papatayin mo ata ako dyan sa mga pananalita mo eh!"
"'Wag ka ngang OA dyan. Nagsasabi lang ako ng facts."
![](https://img.wattpad.com/cover/182463739-288-k50103.jpg)
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...