Chapter 6 - The Chosen Ones part 2

40 0 0
                                        

Hmmmm...

So si Bronze pala yung kausap ni Lesley kanina... tama. Yung ubod ng tangkad na lalake sa likod.

Tiningnan ko yung wikipedia entry na at kamukha nga nya.

OK, yung iba naman-

May biglang nagring na para bang tunog natapos na yung niluluto sa oven.

Akala ko ba 30 minutes pa e halos 10 minutes palang a!

Di bale na. Pagtapos ko rito deretso kaagad ako Emtree Lee's.

"Okay guys line up!"

May narinig akong sumigaw sa bandang likod. Si Lesley ulit, lagi naman sya e. Leader ata nila.

Pumwesto sya katabi ng isa pa ulit na kwarto na may nakapaskil na 'Chosen Chosen Ones' na para bang tinapal lang ng tape. Joke lang ata yon e. A basta.

Meron na naman syang isa pang ulit na papel. Yung mga ibang A.S. katabi na rin naman nya.

Since na kami yung pinaka kanan e kami na rin yung una.

Pumasok na yung iba sa loob kasama si Lesley at nahinto lang sa akin. Saktong sakto pa talaga e no?

"Malaki tsansa mong makapasok dito," narinig kong sabi ni Nero sa akin. Napansin kong katabi ko lang pala sya.

"Aba'y bakit naman?"

"Gumanap ka na kasi sa palabas, parang automatic na yan. Work experience nga naman."

"Ganun ba?"

"Guaranteed na yon. Ikaw pa ata yung makukuha as main character," may kinalabit syang isang lalaking medyo maliit sa kanya na may blonde na buhok. At katulad nga ng halos lahat ng mga A.S., e foreigner din, "This is the person I was talkin' about. The one in the show he calls Noontime Wattpad"

"Is that so, I thought she'd be taller," sabi naman nya.

"Ang kinis naman ng mukha mo," kinalabit ko si Nero at tinuro yung maliit na kasama nya, "sabihin mo mukha syang babae."

Magre-react pa lang yung lalaki nung sinabi na ni Nero yung sinabi ko. Napahinto nalang sya.

"Your face... is very smooth," sabi ko sa kanya gamit ang aking bumabalentong na inggles.

"Is that even supposed to be a complement?" Sabi nya.

"Very much like Thunder, both of 'em got the baby-face eh? Makes me remember the flan shop owner across the street," sabi ni Nero.

Masasabi kong matagal na syang kasama dito, deretso na inggles e.

Bumukas na yung pinto at pinapasok na ako ni Lesley.

Napansin kong ako lang mag-isa. Ito na kaya yung sinabi ni Nero?

Pasok na kaya ako? Bakit ako lang mag-isa?

Maliwanag yung loob at sa gitna e nakatayo lang si Lesley doon na may hawak na papel.

Nag-senyas sya sa akin na tumingin sa bandang kanan ko.

Sinunod ko naman sya at nakita ko na anlaki pala nung kanang bahagi ng lugar na 'to at mayroon pang parang isang kwarto na napapaligiran ng salamin na may tint na green.

May para bang dalawang tao sa loob na nakatayo. Mukhang isang babae at isang lalake sa loob.

"If there was something these two have done, and that's actually looking edgy while standing there," narinig kong nagsalita si Lesley at uminom ulit ng... kung anu man yung iniinom nya pagtapos.

"Mari, so ikaw pala yung gumanap sa Noontime Wattpad?"

Mari...? Noontime Wattpad...? Alam ba nito yung sinasabi nya.

Pagtingin ko sa kanilang dalawa e may pangatlo na silang kasama. Para bang yung dalawang lalaki mukhang ngumingisi na doon.

"Nagtataka ka kung ano yon?" Mukhang sa speakers pa sila nagsasalita.

Tumingin ako kay Lesley, "Ummm... How do I answer?"

"Use this headset," sagot nya sa akin sabay abot sa akin ng headset na kulay yellow naman.

Okaaayyyy... ganon lang pala e...

"Ano ho yung Noontime Wattpad?" Tanong ko sa kanilang tatlo.

"Nah wala lang yon, basta yun yung ginampanan mo yung... Dabarkads ata?"

"Umm Barkadas yung title non."

"Barkadas ba? Akala ko baka Senyoritas," parang yung dalawa atang nandon e parang natatawa na talaga, "grabe naman yang sinalihan mo, Mari, at yung mga lalaki na mas babae pang umarte sayo."

"Can you just cut it out? You're spookin' the gal," sabi nung babae na kasama nila.

"Aaah basta. Okay, Mari, wala lang naman talaga at napansin kong baka yung mga director lang e kahit anong i-arte nyo e pwede na. May potential kayong mga kinalimutang mga Maris at pwede nating i-improve pa yan."

"A-ano ba talaga...? Anong Mari...?" Hindi ko na talaga maintindihan 'tong lalakeng 'to.

"Wala lang yung Mari, yon lang talaga tawag ko sa inyong lahat... Mahirap na i-explain. 'Wag na nating patagalin pa 'to at masasabi ko nalang na... congrats! Pasok ka!"

"Aba'y maraming salamat naman kuya!"

Tama pala si Nero.

"Walang anuman miss... miss... Ito ba talaga pangalan mo?"

Tumango nalang ako, "'Wag nyo na pong pansinin, fans lang talaga ng Fantasy yung mga magulang ko."

"Ganda naman pala e! Sya nga pala, 'wag mo na 'ko tawaging kuya. Magka-kasing edad lang tayong lahat dito!"

"Ay sorry po, kuya!"

"Niiiiiiccee... O sige, larga na, G.A. Pero balik ka dito after noon!"

"I think ya creeped 'er out... Ya think?" Rinig kong tanong nung babae sa kausap ko.

"Naaaah... I know what I'm doing... unlike the one who's droolin over her bed!"

"Keep doin' that and you'll get your face a good whacko."

Tumayo na si Lesley at pinuntahan ako.

"They always seem to forget that they left their mics on," sabi nya sa akin.

"Ummm... sa tingin ko naiwan nyong nakabukas yung speakers nyo," sabi nung isang bagong boses sa speakers, baka yung pangatlong myembro sa taas kasama nila?

"Heh, always getting into pointless banter with each other, ya think?" Tinaasan ako ni Lesley ng kilay at tinuro yung dalawa sa taas.

"Are they...?" Tiningnan ko yung dalawa sa taas at lumingon ulit kay Lesley.

"I don't really know, actually... Thunder apparently approves of 'em. Give it at least another month-"

"Thunder...?" Napahinto nalang ako at pinagmasdan ko ng mabuti yung hugis ng babae sa taas, lalo na sa buhok nya...

Malayo pero nakita kong mabuti...

At hindi ako pwedeng magkamali dito...

...Selena...?

"A-are you okay there...? You know we shouldn't be wasting this amount of time, you know," binalik ulit ako ni Lesley sa realidad.

"Ah-eh, right... I should-uh... get goingg," masyado ko atang nadiin yung 'going' ko.

Nagpaalam na ako at lalabas na sana nang hinatak ulit ako ni Lesley at dinaan sa ibang pinto.

"Remember to be back after lunch. We will have the studio patched up by then."

Nagpaalam na ulit ako sa kanya at mabilis na humarurot palabas ng Zis 30 studios.


Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon