-Day 8, Friday, January 23-
"Lumalabas na nga yung mga sinasabi ko, stuck na yung mukha mo sa iisang expression lang..."
Hindi ko na sya pinansin at inulit nanaman namin yung scene na ginagawa namin. Ito na ata yung pangatlong ulit namin.
"Hindi naman namin ginagawa ito nung ginawa namin yung Barkadas..." Reklamo ko sa kanya.
"Ayan na yung sinasabi ko ulit..."
"Guys... Can we just get along?" Rinig kong sabi ni Lesley galing sa tent. "We don't have all day here."
"Pwede ba rin...?" Rinig ko rin si Backstage na parang bwisit na bwisit na pero nagtitimpi lang, "ayusin mo na yung mukha mo?"
"Anong mali ba sa mukha ko?" Ako rin sasabog na talaga e.
"Mari, nakatayo ka nalang naman at nag-i-inpeksyon ng mga gulay. Ano bang mahirap na maging natural ang mukha?"
"Natural na yung mukha ko! Ano pa ba?"
Narinig kong bumulong sya sa kapatid nya, na katabi nya lang kanina pa, tapos tumingin sya muli sa akin at nagpatuloy, "Okay, ready na sa take 4!"
"Take 4..." Bwisit na bulong ko sa sarili ko.
"Tandaan mo lang," sabi sa akin ni Backstage, na nawala na yung galit sa boses nya, "dito na tayo hihiwalay sa source material natin. Wala nang pointless over the top romance at simula na ng aksyon. At sa aksyon na sinasabi ko e mag-ayos ka na ng gulay dyan."
"Oo nga, kaya mo yan!" May narinig akong boses na halos manlambot na yung tuhod ko. Pagtingin ko sa gilid lang ng balikat ni Backstage e nakita ko si Thunder sa likod nya.
"Kita mo? Si Thunder mismo nag-chi-cheer na sayo sa likod. Ayos na?" Sabi sa akin ni Backstage sabay ngiti pa sa akin. Yun ang bagay sa kanya imbes na puro simangot naman-
"Kailangan pa talaga ng nanonood na foreigner..." Rinig kong sabi nya nung tumalikod na sya at naglakad paalis.
"Wow, grabe naman..."
"Para umayos ka na, madali ka lang naman isahan eh."
"Ay ang kapal naman!" Sabi ko sa kanya nung pabalik na ako sa posisyon ko para sa Take 4.
"Okay na yan! Ready na ulit!" Sigaw ni Thunder sabay thumbs up sa akin.
Aba'y gagalingan ko talaga! Sinabi ni Thunder eh!
Nung nagsimula na kami e ginawa ko na talagang natural yung mukha ko habang nag-i-inspeksyon sa mga gulay kasama ng mga iba pang taga Farm Street citizens, ika nga sabi nila.
Kung dito na kami magdi-diverge sa original na storya, e ano na kayang mangyayari sa amin? Sa aming mga Pinagpala?
"Ah, itong parte na 'to may mga manilaw-nilaw yung mga dahon, Kukuha na kami ng mga kapalit nyan pagtapos natin mangalakal sa labas," sabi ko sa katabi kong magsasaka sa mga pananim nyang mga okra.
"Ay pasensya na ho, matagal na ho kaming namomroblema dito. Buti na lang ho dumating kayo dito."
"Basta tandaan nyo lang po, lolo, magsabi lang kung may problema."
"Iha naman, kakarating ko lang dito noong isang linggo, at hindi ako marunong nang lenggwahe nyo rito..."
"Saan ho ba kayo nanggaling?"
"Sa disyerto..."
"Sa disyerto?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/182463739-288-k50103.jpg)
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...