-Day 8, Friday, January 23-
"Akala ko ba sa TV5 tayo mag-papalabas?" Tanong ko kay Nero na katabi ko pa rin.
"Hindi mo ba nakikita na kailangan nila ng artista?"
"E wala akong alam sa mga kontrata na yan! Yun yung mga advertising contracts diba? Anong gagawin ko?"
Sasagot pa lang sa akin si Nero nang yung trenchoat man kinalabit sya at tinuro yung taong katabi nya.
"Ay oo nga pala ngayon na yung discussion namin sa commercial, o sige na!" Nagmadali na kaagad si Nero paalis.
Halos mga ilang segundo pa lang pagka-alis nya e may lumapit sa akin na middle-aged na babae at binigyan ako ng kontrata.
"Ah, eh, miss, ano kasi eh, hindi ko alam kung anong gagawin ko dito hehe," sabi ko sa kanya.
"Ah G.A. 'wag ka na alala, ayun si Sr. Ryder dun sa table o! Tanungin mo nalang sya," sabi nya sabay ngiti sa akin. Kaya nginitian ko nalang din sya at lumakad na papunta kay Ashton, na hindi ko in-expect na nandito lang pala.
Wait lang, diba dapat e kausap ko yung manager na mismo ng Jollibee? Diba? E basta, alam naman nila yung ginagawa nila eh...
Napatingin ulit ako dun sa babaeng nagbigay sa akin ng kontrata, nakita nya ako at kinawayan lang. May katabi syang isang lalaking naka corporate attire, na may kinakausap na ibang tao. Baka sya yung manager, busy lang.
Hindi ako napansin ni Ashton na papalapit na sa kanya. Masyadong busy sa pag-lamon ng Jollibee chicken bucket.
"Takaw namaaaann," sabi ko sa kanya.
Gulat naman syang tumalikod at halos malaglag na sa upuan tulad ni Xyra kanina. "Hoy! 'Wag naman ganyan!" May tumilansik pang mga butil ng breading sa mukha ko.
"Magkaka-tigyawat ako sa ginawa mo eh," sabi ko sabay hatak ng upuan na isang upuan ang pagitan sa kanya.
Pagka-upo ko ay may naglagay rin sa akin ng chicken bucket sa harap ko. Sabagay, magtatanghalian na rin naman na.
"O ano nang nangyari?" Tanong nya sakin.
"Nakita ko na yung magsasaka galing sa disyerto kanina, lilihis na raw tayo sa original na istorya."
"E di magiging original na tayo kung ganon?" Tumingin sandali si Ashton sa chicken bucket ko, "try mo yan, pang commercial talaga!"
Tinaasan ko nalang sya ng kilay at binuksan yung bucket ko, nakita ko puro drumstick nga sa loob. "Puro drumstick?"
"Hindi lang basta-bastang drumstick," kinagat ni Ashton yung isang manok na hawak nya na para bang nasa commercial talaga. Aba'y anlutong at rinig na rinig ko rito!
"A'langya... Feel na feel mo pa talaga no?"
"Ano ka ba naman, ngayon mo lang mararanasan 'to, as in sa commercial lang talaga kung saan yung manok nila ganito!"
Napansin ata ni Ashton na tinaasan ko nanaman sya ng kilay, "ayaw mo?" Tanong nya sakin.
"Maya nalang, parang busog pa ata ako."
"Napaka-memorable talaga nito... Parang kelan lang eh..."
Nagtaka ako sa sinabi nya, "parang kumain ka lang ng manok e puro ganyan ka na."
Hindi ako pinansin ni Ashton at nagpatuloy lang sa kung anu man yung sinasabi nya, "ito rin yung kinakain ko nung una akong makuha ng BT 7."
"Paano ka nga pala napunta sa pag-aartista, Ashton ah?" Tanong ko sa kanya para medyo huminahon lang sya sandali sa paglamon ng manok nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/182463739-288-k50103.jpg)
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...