Chapter 60 - Return to BT-7 [Part 2]

2 0 0
                                    

-Day 38, Saturday, February 22-


Parang iba na talaga nung last time na naka-punta ako rito. Bagong equipment, bagong sets, bagong facilities, bago na talaga lahat!

Or posible na hindi ko lang alam kasi hindi naman ako naka-abot dito sa set na 'to, nandun lang ako dun sa set sa ibang lugar.

Galing sa isang failed 'pampasikat' na palabas na tinatawag na Barkadas.

Maraming tao ang pumalibot sakin, may mga nagpapa-pic, yung mga iba gusto ng autograph, yung iba e simply makikitambay lang sakin!

"Hey guys! Isa isa lang tayo pwede ba?" Malakas na sabi ni Miggy, na unti-unti nang nahihiwalay sakin at natutulak na ng mga tao.

Nagtingin ako sa paligid ko, punong puno ako ng fans dito! Never before ako nagkaroon ng ganitong karaming fans in my life!

'Ano pakiramdam don?'

'May nangyari ba?'

'Kamusta na yung NeNa?'

'May naging boyfriend ka ba dun?'

Iba iba yung mga naging tanong sakin ng mga tao at hindi ko alam kung may oras pa ba ako na sagutin lahat yun!

"Sya nga pala, pasok ba ako sa Enchantine 2?" Tanong ko sa kanila, pansin ko kasi na wala pang nagsasabi sakin kahit na specifically sinabi ko yun on TV.

"Aba syempre pasok ka samin!" Sabi ng isang babaeng crewman.

"Wait sandali nga lang! Isa isa lang please!" Malakas na sabi ko sa kanila.

Tumahimik naman silang lahat at nakinig sakin. May mga nagsabi na sorry sila at kung anu-ano pa. Wow, parang ibang-iba ako dito ah.

"Naguguluhan ako sa inyo eh, pwede ba isa-isang topic lang tayo?"

Nag usap-usap sila muna sandali.

Napatingin muna ako kay Miggy, "nasan na nga pala kayo sa Enchantine 2?"

"Aba malay ko? Di ba nga sabi ko sayo e tinawagan lang nila ako kasi paparating kana dito? Gawa raw sila ng loveteam instantly, alam mo naman sa showbiz eh, puro landian palagi."

"Siguro notebook model ka pa rin ngayon kung hindi ako dumating noh?"

"Malay mo? Baka may foreigner din na babae na dinampot ako katulad nung mga dating kasama natin..."

"Okaaaay, kung ano man yang sagot mo na yan."

Napatingin ako sa grupo ng mga crew, mga mukhang model, at ilang mga starlet-ilang mukhang starlet.

"NeNa? Nakita mo ba sila talaga? Talaga bang sobrang sweet nila katulad nung mga pics?"

Sa sobrang atat nung ilan sa kanila halos in unison na silang nagtanong lahat, nakakatakot na ang devotion nila sa isa pekeng gimmick ah.

Er... NeNa talaga eh no? Er...

"Oo nga, NeNa nalang!"

Kahit si Miggy nakikisali na rin sa tsismis.

"Uh, masasabi ko lang dyan na paniwalaan nyo yung mga pics sa FB, dahil totoo lahat yun! Alam nyo rin ba na sila talaga yung gumagawa ng script? Nasisilip ko nga sila dun sa van nila na sobrang airconditioned na nakasuot ng sobrang luwag na jacket tapos silang dalawa nakasuot dun sa magkabilang dulo!"

Naghiyawan ang mga tao sa kwento ko! Ang galing ko talaga! Kilig to the max!

"Kaya pala laging naka-suot ng maluwag!" Malakas na sabi ni Miggy.

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon