Hindi lang si Chelsea ang pwedeng tumambay kasama ng mga Koreana! Ako rin pwede!
Hindi na inabot ng maraming mga minuto pero naabot ko na kaagad yung exit.
Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko at nakita kong 10am pa lang.
Kung ang lunch break matatapos ng 1 e may tatlo-
Hanggang isang oras nalang pala si Xyra!
Nagmadali na talaga ako ng sobra, lumabas ng studio, at hinanap yung Emtree Lee's.
Nung napatingin ako sa ice cream shop, bakit parang kaunti lang ata yung tao? Para sa kasing sikat ni Xyra, di ba dapat punuan na 'to?
Baka kasi walang nakaka-alam?
E bakit yung ice cream shop na mismo parang hindi naman nagpa-party?
Niloloko na ata a-
Napatingin lang ako sa salamin nung shop at hindi ako pwedeng magkamali!
Si Xyra nga!
Nagmadali na ulit akong pumasok sa loob at binati silang dalawa doon.
Umusod si Xyra ng kaunti para tabi na rin kami.
"Grabe naman talaga nandito ka kasama namin ngayon at-" pinahinto ako nung katabi ko.
"Hindi na kailangan yan. 'Pag artista ka na e dapat ka talagang lagi nang handa sa mga ganitong bagay."
"Grabe naman, Xyra, ambait mo talaga! Alam mo ba biggest fan mo ako??"
"Ako kaya biggest fan nya!"
Pilit pa talaga akong talunin ni Chelsea sa kung sinong mas devoted ah...
"Heps! Tigil na yan! Magkakagulo-gulo pa tayo dito e!" sabi ni Xyra sa aming dalawa, "pwede naman kayong dalawa biggest fan ko e!"
"Bakit nga palang walang tao dito?" Tanong ko na rin sa kanya.
"Hindi mo ba nakikita na katabi lang natin yung studio? Sanay na sanay na mga tao dito sa mga artista na pumupunta lang sa mga lugar lugar dito. Alam kong hindi nga ganun kadalas magamit ang Zis 30 pero unti-unti na rin talaga silang nasanay," binaba ni Xyra yung ice cream na kinakain nya.
"E bakit naman ganon? E world class ang mga A.S. diba? Bakit ganon?" Nagtaka ako sa sinabi nya. E paano naman nga naman nangyari yon?
"Oo nga naman," sabi rin ni Chelsea, "ang mga pinoy hinding hindi magsasawa sa mga artista."
"Tingnan mo yung babaeng merong wierdo na buhok sa labas." Nagsabi si Xyra ng bagong topic at nagturo ng isang babaeng naglalakad sa labas papuntang McDonalds. Parang nahahalata ko kung sino yon...
"Hindi ka sikat no..." Bulong ko kay Xyra, "talo ka pa rin ata ng mga tunay ng Koreana."
"Sila at mga mukha nilang punong puno ng plastic surgery." Mahinang sagot nya.
"Para naman ikaw hindi rin dumaan don-"
"A basta! Tingnan nyo nalang kasi yung tinuro ko."
"Sya yung babaeng maingay kanina-nina lang! Sabi nya iwawagayway daw nya yung pwet nya sa stage," napasabi nalang ako.
"Bakit green yung kulay ng buhok nya?" Tanong ni Chelsea sa akin.
"Ewan ko ba. Ganyan na talaga yan noon pa," sabi ni Xyra sa amin, "malamang maglalandi nanaman yan sa McDo."
"Anlapad ng hita nya no?" Sabi ko.
"Kainggit nga e."
Bigla akong napaisip at nilabas ko yung cellphone ko. Nagulat nalang sa akin yung dalawang kasama ko habang nagmadali kong hinanda yung papakita ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...