-Day 38, Saturday, February 22-
Naging mahaba nga ang kwentuhan, lahat sila tanong ng tanong kung ano nangyari kay Lyn, kung ano na sila ni Nero, kung anu-ano pa... Hehehehe... Para akong gumawa lang ng fanfictions on the spot don ah!
At ika nga sabi ko kanina, mahilig akong manlibre eh, as long as kaunti lang sila. At itong babaeng kanina pang spokesperson nilang lahat. Of course kailangan nya ng break.
"San tayo punta?" Tanong sakin ni Ellie nung pababa na kami ng escalator sa building pa rin ng BT-7.
"Sunduin lang natin yung soon-to-be leading man ko dun sa... kung nasaan man sya ngayon..."
"Ah si Migs, ay oo matagal na yung nawala rito eh, bigla nalang pinabalik. Naalala ko pa nga noon nung nandun ako sa set ng Barkadas."
Nagulat ako sa sinabi nya, "maputi ka ah, artista ka ba?"
"Extra palang, sa ngayon. Pero may modelling gig din ako!"
"Ah ganun ba?" Napansin ko lang na halos magkasing-edad lang kami, "ilang taon na ba?"
"Since nag-start kayo ng Barkadas, sayang naman hindi pa kita kilala noon..."
Napatingin ako sa dibdib nya, "Eh, hehehe... Alang'ya nagpalagay ka na ah..."
"Sabi sakin nung dun sa modelling eh, lahat kami dun nagpalagay na rin ng enhancements. Bakit ikaw hindi?"
"Proud lang talaga ako sa dibdib ko, ganun lang talaga ako ka-proud! Ako nalang ata yung natitirang sobrang flat dito eh..."
"Okay lang yun! Pwede naman pagtapos nung una mong paycheck!"
"Hinde pwede, mawawala ako sa Samahang Flat, yung group namin nina Xyra, alam mo yun?"
"Ah yun! Oo nga nakikita ko yun! Nandun ka diba?"
"Ah yes, nandun nga ako!" Nasabi ko ng malakas nung nakita ko na si Miggy, na nandun lang nakatayo malapit sa isang vending machine.
Kinawayan ko sya, at dumating naman sya kaagad.
"Nagtataka lang ako, na parang aimless ka lang maglakad dito ah," sabi ko kay Miggy nung nakarating na sya samin.
"Eh ganon naman talaga kasi 'to, ate G.A., kahapon lang yan tinawagan kasi darating ka nga diba?" Si Ellie na mismo yung sumagot sa akin.
"Oo nga eh, parang atat nalang ulit silang i-launch yung loveteam naten eh, wala pa talagang sinasabi sakin kundi mag-tease sa audience kanina sa taas sa helipad!"
Hmmm. Kahit si Miggy na rin nagsabi, wala pa ngang pinapagawa sa kanya.
"Nandito ako ngayon para manlibre ng ice cream!"
"The usual ka pa rin ano, G.A.? Wala ka na bang alam gawin kundi manlibre ng ice cream? Panahon pa ng Barkadas yan ah!" Sabi ni Miggy sabay sunod na samin.
"Saan tayo?" Tanong ni Ellie sabay tingin sa likod, kung ano man yung tiningnan nya.
"Saan pa ba? Ano sa tingin nyo?" Kinapa ko yung bulsa ko, nandun pa yung CP ko, may ipapakita ako sa dalawang 'to mamaya.
"Lemme guess? Emtree Lee's? Ilang taon ka na talaga dun sa ice cream chain na yun eh no?" Bored na sabi sakin ni Miggy, "noon pa dun ka na lagi nanlilibre eh."
"Bakit hindi nalang natin sabihin na may permanent special discount ako dun, since forever."
"Anong ginawa mo nga pala sa kanila? Advertising?" Tanong ni Ellie sakin, "nakita kita noon sa Jollibee commercial! May special discount ka ba rin don?"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)