Chapter 51 - Undercover Mission [Part 2]

8 0 0
                                        

-Day 31, Saturday, February 15-


"Parang yung mga palabas lang eh no? May sakit sa puso pero romanticized. Tapos merong real-life version nasa harap ko na ngayon lang," sabi ko sabay kuha na nung phone ko galing kay Backstage, "sa tingin ko e tathimik muna ako sa inyong dalawa ngayon.

"Buti naman, sandali lang at ayusin ko pa 'to," sabi ni Backstage nung hinanda na nya yung baso, na takip nung thermos, at nilagyan ng tubig.

Dapat... mag-resist... ng... comment...

Phew! Seryoso 'tong isyu na 'to, kaya mo yan G.A., kaya mo yan... hindi ka magsasalita ng anything kinalaman sa kanilang dalawa... matatag... sobrang tatag...

Alang'ya ang chemistry umaapaw....

WILLPOWER!

"Okay ka lang?"

"Hindi mo ba nakikita yung aura ko ngayon lang? Hindi mo ba nakikita ang willpower ko nagliliwanag na sakin? Oh my god! Yung kamay ko nagliliwanag na! Parang kaya ko nang tumalon ng malayo at patalsikin lahat nung nandun!"

"Mari, ang OA mo naman," sabi ni Backstage sa akin.

"Gusto mo tumira ako ng magic projectile? Pew pew pew!"

"OA na talaga yan ah... Parang piling ko gusto mong magsalita pero napipigilan ka lang eh."

Pina-inom na nya si Selena nung gamot nya.

"Alam mo naiinis na ako sa kamay ko eh, nangangati na talaga eh, tingnan mo oh!" Sabi ko sabay kamot sa kamay. Dapat ma-resist hindi magsalita! "Itchy itchy itchy itchy..."

Binalik na ulit ni Backstage yung gamot sa bag nya.

"Pwede na ba akong magsalita ngayon?"

"Alright, anong plano na naten?"

"Bagay kayo. As in sobra talaga..."

Woops.

Hehehehehe... Nadulas pa rin... sorrrryyyyy...

"Wow, seryoso talaga yan ah... Akala ko ba e iisipin natin ngayon eh yung undercover mission mo?" Napakamot na 'tong si Backstage sa likod ng ulo nya.

"'Wag kang mag-alala, Selena, sasabihan ko si... si... babaeng bansot na may green na buhok na lumayo sa kanya, don'cha worry."

"Para namang may naintindihan sya sa sinabi mo, pwede ba magseryoso na tayo dito?"

"Alrighty then! G.A. is ready upon request. Kiss muna kayo pls..."

Napabuntong-hininga nalang si Backstage at nagsalita na, "ganito yan, kapag gumawa tayo ng intriga dyan sa pagkaka-fire mo galing samin, e ang itatrato sayo ng sino mang kukuhang network sayo e sobrang taas since ang tingin nila eh galing ka sa aming mga A.S."

"Uh huh..."

"Pero dapat ma-shoot ka lang sa BT-7. Magiging madali lang yun kasi sasabihin mo lang naman sa camera sa news eh, at sila na mismo dadampot sayo."

"Uh huh..."

"At pagdating mo dun, e keep contact ka lang para sabihin ko kung ano dapat mong gawin."

"Uh huh..."

"O kaya naman kung may obvious na mali naman na, e ikaw na mismo magsabi na mali yun at siguradong makikinig sila sayo at aayusin yun kaagad. Basta 'wag lang silang mapahiya. Parang bata lang yan, kailangan nila ng guidance."

"Uh huh..."

"Nakikinig ka ba??"

Pumitik ako sa kanang kamay ko, "newsflash! Kailangan ko pa bang makinig sa plano natin? E hindi ka naman nagkakamali! Parang psychic ka na rin eh bakit kailangan ko pang malaman yan? Sabihin mo nalang sakin yung gagawin kapag nandun na ako."

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon