Chapter 69 - Nightly Discussion [Part 2]

3 0 0
                                        

-Day 39, Sunday, February 23-


Buti naman maaga akong pinalabas ngayon, nanood lang ako ng kaunting shooting nila and then labas na kaagad para iwas daw sa paparazzi-wait nga laaaang...

Nandito ako ngayon sa isang condo lang, I don't think hindi pa nila alam kung saan ako nakatira.

Dammit anlayo kasi nung mansyon namin eh, istorbo naman kabwiset. Baka inaabangan na nga ako ng-

Nagtingin ako sa paligid ng condo ko, even sa banyo...

Nakaka-paranoid naman 'tong showbiz na 'to, bigla nalang akong naging sikat tapos baka may-

Tumingin ako ng mabilis sa pinto... wala naman pala... mga taong naglalakad lang sa labas.

Buti naman walang camera sa paligid... 'yon nga ba?

Gotta be careful.

Nilabas ko na yung Smartphone ko sabay lundag sa napakalambot kong higaan.

*Haaaayyyyy*

Aba! Maaga ngayon nagsend sakin si Kendo ng... ng tuldok sa messenger. Nagsend sakin yung official headwriter ng Pinagpala ng isang tuldok... the heck?

Eh maski na, online naman sya eh kaya-

'Hey! I am here!'

At mabilis naman syang sumagot.

'May mga weird stuff na nagaganap dito sa La Paz. Bigla atang dumami yung mga babaeng model dyan na kino-kontact ako, ano meron?'

'Kung ganon pala online na pala yung plano nila, I guess. Alam mo na ba kung ano yon?'

'Ang landiin ako hanggang sa i-invite ko sila dito sa La Paz para makipag-goodtimes kay Thunder tapos lalandiin ulit ako para naman iuwi na sila?'

'Bakit pa ba ako nagtanong? Eh kahit ano naman alam mo.'

'No seriously... tama ako?'

'Kunyari ka pa, galing mo rin ano?'

'Woah... grabe naman yung mga model nyo dyan.'

'Pero nakapagtataka din eh, paano mo nalaman?'

'Sasabihin ko lang sayo, Mari-'

'Kapagod ka naman kausap sa Messenger, call na nga lang kita, miss ko na boses mo ulit.'

Napa-ngisi nalang ako dun sa tinype ko sa kanya. Isang check ng network connection lang sandali at vinideo-call ko na sya kaagad. 

Nagvi-video call pa ako eh lagi naming naka-tutok lang yung phone camera nya sa ceiling...

'Musta na dyan, pre? Sabihin mo naman sakin yang extreme detective skills mo oh. Paano mo nahulaan yon na kahit nandyan ka lang all these times?'

'Sasabihin ko lang sayo, Mari, yung mga kasama ko mga mala-artistahin at mapuputing foreigner compared sa isang full-blood Pinoy na tulad ko. Sinong hindi magtataka na bakit ako lang yung kino-kontact nyang mga model dyan... Alang'ya sa tingin siguro nila utu-uto ako eh no? Tinanong ko yung mga kasama ko wala namang messages sa kanila eh.'

'Ikaw pa... Ano nga pala-'

'Pero hahayaan ko lang sila, tingnan ko kung sino unang aatras, hehe... parang gameshow lang yan... kahit istorbo na yung too much attention galing sa kanila.'

'Anyways, ako na ba magsasalita?'

'Yeah, ikaw na.'

'Ininterview na ako kanina ah! Pinalabas na sa 24 Hours News Balita kanina-nina lang! Plus yung bayad ko pinag-usapan na!'

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon